SHADOW 1

1.1K 62 7
                                    

"Grabe ka Sam, ang ganda ganda mo talaga".

Heto na naman ako, nakaharap sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok.

Ilang beses ko na bang sinabing maganda ako? Oo alam kong maganda ako, at marami na ang nakapag-sabi sa akin no'n. Pero kahit anong ganda ko, wala man lang mag-tangkang manligaw sa akin.

Oo tama. Wala kahit ni isa. Sa edad kong 17, ni isang lalaki wala pa ang nanligaw.

Hindi naman sa nagmamadali ako pero naiinggit lang ako sa iba kong classmate na may mga boyfriend na naghahatid at sumusundo sa school. May kasabay kumain sa lunch at may kasama sa araw-araw.

Hay! Kung sino pa ang maganda, siya pa ang walang boyfriend.

Tiningnan ko muna ang buo kong mukha sa salamin at ibinaba ang suklay na kanina ko pa hawak.

Feeling ko naubos na buhok ko sa kasusuklay. Tumayo ako at kinuha ang aking bag.

Bago ako lumabas sa aking room, tiningnan ko muna ang kabuuan ko sa salamin.

Bagay na bagay talaga sa akin ang uniform ko. Oo studyante pa rin ako, 2nd year college student sa Season University. Ang nag-iisang University sa aming lugar na kinakatakutan ng mga estudyante. Hindi dahil sa minumulto ang paaralan, kun'di dahil sa dami ng mga estudyanteng takot mawalan ng scholarship. Lahat ng mga pangangailangan ng mga estudyante sa paaralan na 'yon ay libre.

Teka nga, bakit ba ng school ang kinukwento ko? 'Di ba dapat ang istorya ko? Nababaliw na 'ata ako.

Matapos kong makita ang buong reflection ko sa salamin ay tumalikod na ako at hinawakan ang door knob at binuksan ang pinto. Nagmadali akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina.

"Ma! Gising na ang pinaka maganda niyong anak. Kakain na po ako."

Bigla namang lumabas si Mama sa kung saan. "Hey pretty baby Sammy. How sleep? You look pretty today. You are like Mommy so beautiful right?"

"Ma pwede ba? 'Wag ka na mag-english kung per word mo lang itatranslate ang tagalog sa english. Ang sakit sa bangs. Kumain na nga lang tayo," turan ko.

"Ikaw naman, pinapatawa ka lang. Alam mo namang....."

Hindi ko na pinatapos si mama sa sasabihin niya dahil alam ko na ang litanya niya kaya inunahan ko na siya.

"Alam mo naman na 'di ako nakatapos ng pag-aaral 'di ba? High School lang ako ng mabuntis ng papa mo 'di ba?" Bigla nalang tumawa si mama at napatawa na lang din ako.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at nag-paalam na ako kay Mama na aalis na ako at baka mahuli pa ako sa klase.

Pag labas ko ng gate, hindi ko maiwasang lumingon sa park na nasa tapat ng bahay namin.

Hays! Hanggang ngayon pala 'di ko pa din siya nakakalimutan.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now