SHADOW 5

381 47 3
                                    

Napa-balikwas ako.

Pinag-papawisan.

Nag-tataka.

Natatakot.

Isang masamang panaginip. Oo, panaginip lang ang lahat.

Pero bakit? Bakit ganoon kasama ang panaginip ko.

Si Summer.
Bakit walang mukha si Summer?

Sa halos limang taon naming 'di pagkikita, bakit ngayon ko lang siya napanaginipan? Bakit ganoon na lang ang panaginip ko sa kaniya?

Si Summer nga ba ang nasa aking panaginip?

Feeling ko talaga siya 'yon. Sa paghabol ko sa kanya, sa pag sasalita niya, ramdam na ramdam ko na siya 'yon. Pero bakit di ko nakita ang kaniyang mukha?

Masyado 'ata akong nadala sa pagkamiss sa kaniya. Oo, miss na miss ko na siya. Limang taon, limang taon na siyang 'di nagpapakita. Limang taon ko na siyang inasam na makasama muli.

"Isa lang iyong panaginip Samantha. Walang ibig sabihin 'yon . Namimiss mo lang siya kaya  mo siya napanaginipan" bulong ko sa aking sarili. Pinunasan ko ang mga pawis na tumutulo sa aking mukha.

Bakit ang ginaw? Bakit ramdam ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa aking mga balat?

Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto. Sumasayaw ang mga kurtinang tumatakip sa bintana. Sa sobrang pagod ko, kasabay ng aking pagtulog ay baka nakalimutan ko na itong isara.

Tumayo ako at unti-unting lumapit sa bintana. Akmang isasara ko na ito ng napalingon ako sa ibaba ng aking glass window.

Mula sa aking kwarto ay matatanaw mo ang park sa harap ng aming bahay.

Ngayon ko lang ito napansin. Sa tagal ko ng nakatira dito, ngayon ko lang namalayan na ang katapat pala ng kwarto ko ay ang munting parke ng aming subdivision. Marahil sa sobrang busy ko sa bawat araw, kaya ngayon ko lang ito napansin. Dinama ko muna ang malamig na simoy ng hangin at pinagmasdan ang kabuuan ng park. Ang ganda pala nito kapag gabi. Kung ano ang kinaganda nito sa araw, ganun din ito kaganda sa pagsapit ng dilim. Medyo madilim ang park pero makikita mong nababalutan pa rin ito ng iba't ibang liwanag na nanggagaling sa mga ilaw ng poste.

Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pagsayaw ng mga puno sa park. Hinawakan ko na ang glass window ng aking bintana at akmang isasara na ito ng may mapansin ako sa park.

Tao? Isang tao? Isang lalaki? Ang alam ko ay bawal na ang pumasok sa park pag sapit ng alas nuebe.

Tumingin ako sa aking wall clock na nakasabit sa taas ng pinto ng kwarto. Ang malaking kamay nito ay nakatapat sa 6 habang ang maliit nitong kamay ay nakatapat sa 2. Alas dos imedya na pala ng madaling araw.

Ganoon ba ako katagal na natulog? Ni hindi man lang ako nakakain ng hapunan. Bakit di man lang ako ginising nila mama? Malamang ay alam na nila na kumakain na ako pag-uwi ko galing sa school.

Muli kong nilingon ang lalaki sa park. Nanduon pa rin siya.

Ano kaya ang ginagawa niya sa loob ng park ng ganitong oras?

Bakit di siya nakita ng guard? Malamang malakas na ang hilik non.

Bakit ko ba pinapakialaman ang lalaking ito? Bahala na nga siya sa buhay niya.

Muli kong hinawakan ang glass window. Kasabay ng paghila ko dito ay ang paggalaw ng lalaki. Napahinto ako.

Lumakad ng paunti-unti ang lalaki. Saan kaya siya pupunta? Kasabay ng bawat lakad niya ang pagsunod ng aking mga mata sa kilos niya. Huminto ang lalaki.

Huminto siya sa tapat ng duyan. Akala ko ay uupo siya. Matagal ko siyang pinagmasdan pero wala siyang ginawa kun'di tingnan lang ito. Bigla siyang gumalaw at hinawakan ang mga bakal ng duyan. Inugoy niya ito. Sa bawat galaw ng duyan ay ang pag-galaw din ng kaniyang mga kamay. Patuloy lang siya sa pag-ugoy ng duyan na waring may taong nakasakay rito.

"Baliw 'ata ang lalaking ito. Inuugoy ang duyan ng walang sakay. Bakit di nalang niya upuan ang duyan at iugoy ang kanyang sarili," bulong ko sa aking isipan.

Biglang huminto ang lalaki sa pag-ugoy.

Mula sa aking kwarto, natanaw ko ang muli niyang paggalaw. Bigla siyang humarap sa direksyon ng aming bahay.

Hindi ko siya maaninag. Nakasuot siya ng jacket na may hood sa kaniyang ulo. Ni kahit anong itsura niya di ko makita.

Unti-unting gumalaw ang ulo ng lalaki at tumingala sa aking direksyon.

Bigla akong kinabahan. Bigla kong isinara ang glass window ng aking bintana.

Pinagpawisan ako.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Sino siya? Bakit parang nakita ko na siya?

Bakit parang kamukha niya si...

Si......


Kamukha niya ang nasa panaginip ko.

Itim na jacket na may hood.

Walang mukha.

Hindi kaya?

Siya?...,








Siya si Summer?

"Hindi Samantha. Namamalik mata ka lang. Masyado mong iniisip ang nasa panaginip mo. Panaginip lang siya. Isa lang siyang parte ng panaginip mo. Malamang di mo makikita ang mukha kasi madilim ang park. Matulog ka na lang Smantha. Antok lang 'yan," pagpapakalma ko sa aking sarili.

Bumalik ako sa aking kama. Umupo muna ako at huminga ng malalim.

Sino kaya 'yun? Hindi ko lubos maisip na isang lalaki ang pupunta sa park ng alas dos imedya.

"Baliw lang siguro yun," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Matagal na akong nakapikit pero 'di pa din ako makatulog.

Ibinaling ko ang aking katawan sa kanan, sa kaliwa. Naglagay na ako ng unan sa paa, sa gilid ng aking katawan. Nagpalit na ako ng pwesto, ginawa ko ng ulunan ang aking paanan. Nagawa ko na 'ata lahat ng pwesto pero hindi pa din ako makatulog.

"Hay! Busit naman oh. Bakit ngayon pa ako di makatulog?" painis kong bulong.

Nanatili lang akong nakatingala. Pinagmasdan ko ang kulay abong kisame ng aking kwarto. Tinitigan ko lang ito ng matagal. Naluluha na ako sa matagal na pagtitig dito.

Binaling ko ang aking katawan paharap sa cabinet ng aking kwarto.

At mula sa pagkakahiga, nakita ko ang isang maliit na box na pinaglalagyan ng mga importanteng mga gamit.

Mga gamit na mula kay Summer.

Dala na rin ng gising kong isipan, ibinalikwas ko ang aking katawan at lumapit sa aking cabinet.

Kinuha ko ang box at muling bumalik sa aking kama.

Binuksan ko ang box at nakita ko ang mga piraso ng hugis pusong papel. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung para saan ba ang mga ito.

Kailan kaya ang takdang panahon na sinasabi ni Summer sa akin? Kailan ko kaya malalaman kung para saan ang mga ito?

Sa dami ng ibinigay niyang piraso ng papel na ito, 'di ko alam kung ilan ang bilang nito, kaya mas minabuti ko nalang na bilangin.

Hindi pa man ako umaabot sa sampo, naramdaman ko ng napipikit na ako, senyales na dinadalaw na ako ng antok.

Kaya inilagay ko na ang mga piraso ng papel sa box at inilagay sa aking ulunan.

Humiga ako ng maayos at ipinikit ang aking mga mata at unti-unti na akong nakaramdam ng kapayapaan.

Nakatulog na ako.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now