SHADOW 13

224 25 5
                                    

"Sino ka? Sino ka sa buhay ni Trevor? Paano mo nakilala ang kakambal ko?" ang sunod sunod na mga tanong na nagpatulala sa akin.

Sino ka?

Sino ka sa buhay ni Trevor?

Paano ma nakilala ang kakambal ko?

Ang kakambal ko?

Ang kakambal ko?

Ang kakambal ko?

Ang kakambal ko?

Ang kakambal ko?

Paulit-ulit. Paulit-ulit na salitang nagpapagulo sa aking isipan. Para isa itong kanta na ma eLSS ka. Kakambal? May kakambal si Summer? Pero paano? Bakit ngayon ko lang nalaman? Sa tagal naming magka-ibigan bakit hindi niya ito nasabi sa akin. Bakit? Puro bakit? Alam kong may kasagutan sa lahat ng tanong ko, pero para akong isang pipi, hindi ko masagot ang tanong niya. Para akong bingi, na gusto kong ipaulit ang tanong niya, kung tama ba ako ng pag-kakarinig.

Nabasa niya ata ang nasa isip ko kaya tinanong nya ulit ako. "Tinatanong kita! Sino ka sa buhay ni Trevor!" pahiyaw niyang sabi.

Nanginig ako. Natakot. Nanghina sa hindi ko malamang dahilan. Kaylangan ko pa ba siyang sagutin? Kaylangan ko pa bang magpaliwanag sa kaniya? Hindi ba dapat ako ang magtanong? Hindi ba dapat ako ang manghalungkat ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman sa loob ng halos limang taon?

"Boo... boy,..., friend ni..ya" nanghihina kong sabi na halos magpa-piyok sa akin

Hindi ko siya matitigan, natatakot ako, pero alam ko na ang mga nanlilisik niyang mga mata ay nakatitig lang sa akin.

"Boyfriend? Sa halos limang taon na pang-iwan niya? Tinuturing mo pa rin siyang Boyfriend? Nasisiraan ka na ba ng bait?" pahiyaw niyang sabi.

Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang tono. Galit, poot at puno ng panunumbat ang bawat salitang lumalabas sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganoon nalang siya mag salita. May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi maganda sa kaniya?

"Bakit?, bakit ba parang galit ka sa akin? May nagawa ba ako sa iyo? May mali ba?" mahina kong sabi na halatang kinakabahan at puno ng takot ang aking tono

Matapos akong magsalita, duon lang niya ako binitawan. Inilayo niya ang kaniyang sarili sa akin. Pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pumikit siya, matagal, at ng pagdilat niya, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. May mga tanong na parang gusto niyang hanapan ng kasagutan.

"Nag-papakita ba sa iyo si Bunso?" tanong niya na nasa malumanay na boses.

Hindi ko alam ang aking isasagot. Hindi ko alam kung ano ang tamang salita na dapat na isagot sa kaniyang tanong. Parang feeling ko, dapat lahat ng sasabihin ko tama, dapat totoo.

"Oo" mahikli kong tugon sa kaniya.

"Buti pa sa iyo nag-papakita siya! Sa akin kahit na sa panaginip di man lang siya magpakita" matamlay niyang sagot sa akin. Parang maiiyak na siya. Geez! Ano ba nag nangyayari? May alitan ba silang mag-kapatid?

"Hindi ba siya umuuwi sa inyo?" hindi ko alam kung saan nanggaling iyong tanong ko, pero ano ang sasabihin ko diba? Kung hindi siya nagpapakita sa kaniya, malamang hindi umuuwi si Summer sa kanila.

Napatulala siya sa aking tanong. Parang naguguluhan siya. Nagtataka. Ramdam kong may gusto siyang itanong pero may pumipigil lang sa akniya.

"May iba na siyang inuuwian" tugon niya

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now