SHADOW 17

261 23 7
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nakikita. So totoo nga ang lahat. Wala na siya.

Pero bakit kailangan pa niyang magpakita pa sa akin. Bakit kailangan pa niyang paasahin ako sa mga bagay na sa una palang ay wala na talaga. Akala ko ba mahal niya ako. Akala ko ba hindi na niya ako iiwan, pero bakit ganito, hindi pa man kami umaabot sa isang buwan na relasyon namin, tuluyan na niya akong iniwan.

Napa iling na lang ako sa aking iniisip habang umiiyak pa rin. Paano kong mamahalin ang isang patay na? Paano ko mamahalin ang isang taong limang taon ng walang malay sa mundo.

"Summer!" mahina kong sabi sa harap ng puntod niya.

Hinihimas himas ko ang kaniyang pangalan na nakaukit sa puntod nito.

Kung dati buong katawan niya ang nahahawakan ko, ngayon ang mga alala na lang niya sa puntod ang pinanghahawakan ko.

"Summer, Bakit? Bakit kailanagn mo pang mag-pakita sa akin? Bakit kailangan mo pang pa-ibigin ako kung iiwan mo rin ako ng tuluyan? Summer bakit?" pag-susumamo ko sa puntod niya.

Naramdaman kong may humawak sa likuran ko at hinihimas himas ito. Si Mama at Papa, nasa likuran ko. Alam kong awang awa sila sa aking kalagayan, pero hindi ko iyon pinansin, nanatili lang akong nakatingin at hinihimas ang puntod ni Summer.

"Anak umuwi na tayo. Kailangan mo pang mag pahinga" ang mahinang sabi ni Mama

"Anak, ipagpabukas mo na ang lahat. Kailangan mo ng makalimot. Alam kong mahirap, pero kailangan mong tanggapin na wala na si Summer" galing naman iyon kay Papa

Magpahinga? Makalimot? Ipagpabukas? Ano ito? Isang laro lang na ipapasawalang bahala ko na lang? Biktima ako ng mga pangyayaring ni minsan hindi naman pala naging totoo. Nabuhay ako sa isang paniniwalanag puro kasinungalingan lang pala. Hindi ko ito kayang ipagsawalang bahala na lang.

"Ma, Pa, mauna na kayong umuwi. Kailangan ko munang mapag-isa" mahina kong sabi

"Sammmy, hindi ka namin pwedeng iwan dito, baka kung anong mangyari sa iyo!" pag-aalalang sagot sa akin ni Papa

"Pa, kaya ko ang sarili ko, hindi pa ako nababaliw"

"Hindi ko naman sinabing nababaliw ka na anak, naniniwala akong nasa tamang katinuan ka pa, pero anak, kailangan na nating umuwi, kailangan mo ng magpahinga"

"Pa, please, kailangan ko munang mapag-isa. Please Pa, leave me alone" medyo pahiyaw kong sagot

"Anak" pag susumamo ni Mama

"Siguro nga Ma, kailangan muna natin siyang iwan dito" sabi ni Papa kay Mama

"Ma, Pa, wala kayong dapat ipag-alala sa akin. Ok lang po ako. Kailangan ko lang ipasok sa kokote ko ang lahat lahat ng nangyayari. Uuwi din po ako mamaya." tugon ko

"Papayag kaming iwan ka dito pero hindi ka pwedeng mag-isa." Sabi ni Mama

"Ma!" pagtutol ko

"Hindi kami mapapanatag anak pag naiwan ka lang mag-isa dito. Sasamahan ka ni Winter"

Hindi ako nagulat sa sinabi ni Mama. Nilingon ko lang kung nasaan siya. Nakita ko siyang katabi si Rhon at ang Doctor. Ramdam ko ang mga luhang nagbabadya ng lumabas. Siguro pinipilit lang nilang iwasan ito dahil alam nilang mas mahihirapan ako pag nakita ko silang kinakaawaan ako.

Unti unting lumapit si Winter sa kinalalagyan namin nila Mama.

"Tita, Tito, ako na po ang bahala sa anak ninyo. Hindi ko po siyang hahayaang mag-isa dito. Kailangan niyo na rin pong mag-pahinga." masuyong sabi ni Winter

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now