SHADOW 8

289 25 2
                                    

Hindi pa din ako makapaniwala na after five years, heto na ako ngayon, kaharap ang taong matagal ko ng inaasam, ang taong matagal ko ng gustong makita, ang taong walang iba kundi si Summer.

Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa bigla ko na lang siyang niyakap, yakap na kay higpit, yakap ng pagsu-sumamo, pag-aalala at pag-kasabik. Sa wakas, matapos ang matagal na panahon na paghihintay at pangungulila nakita ko na siya.

"Oh Sammy, nasasakal na ako. Hindi na ako makahinga" sambit ng taong yakap-yakap ko.

Hindi ko siya pinakinggan at patuloy ko lang siyang niyakap. Dinama ko ang katawan niya, ang malalaki niyang braso, ang malapad niyang likod. Oh Summer, kung alam mo lang kung gaano kita na-miss.

"Alam ko namang na-miss mo ako, pero baka pwede mo na akong bitawan, 'di na ako makahinga" muli niyang pagsasalita.

Inalis ko na ang aking mga kamay sa pag-kakayakap sa kaniya. Umurong ako saglit at pinagmasdan ang kabuuan niya. Ang laki ng pinagbago niya kumpara nung mga panahong mga bata pa kami. Ang laki ng inilaki niya, nagkalaman na siya 'di tulad ng dati na patpatin pa siya. Mas lalong tumangos ang kaniyang ilong, nangungusap din ang kaniyang dalawang mga mata na parang napaka-inosente niya. Ang manipis at mapula niyang labi, ang maputi at makinis niyang kutis, in short mas lalo pa siyang gumuwapo. Matured na matured na siyang tingnan.

"Baka naman malusaw na ako niyan, libre lang ang kumurap, pwede ka ring magsalita" naka-ngiti niyang sabi.

Nuon lang ako muling natauhan. Sinampal ko ang aking mga pisngi. Aray! (Napalakas naman yung sampal ko Author. Grabe ka! Haha) Totoo nga, totoo nga na kaharap ko na siya. Hindi ako nananaginip.

"Su.. Summer?"

"Oo ako nga. Kanina mo pa ako kausap. Niyakap mo na nga ako 'di ba? Hindi ka nananaginip. Totoo ako Samantha. Ako nga ito, si Summer. Ang kaibigan mong matagal mo ng hinihintay" nakangiti pa ring sabi niya.

Biglang nag-kumislapan ang kaniyang mapuputi't pantay na mga ngipin. Napangiti na rin ako. "Anong nangyari sa iyo? Bakit ka biglang nawala? Saan ka nagpunta? Ano mga pinag-gagawa mo sa loob ng limang taon? Bakit 'di ka nag-paalam kung saan ka pupunta? Bakit bigla ka nalang umalis? Ngayon bumalik ka na? Mag stay ka na ba dito ulit? Kaibigan mo pa ba ako?" direderesto kong tanong. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.

"Sssssssh." Sabay dikit ng kaniyang hintuturo sa aking mga labi. "Kalimutan mo na ang nakaraan. Ang mahalaga bumalik na ako" sagot niya sa akin.

"Pero gusto kong malaman. Napaka-unfair mo. Hindi ka man lang nagpaalam. Bigla ka nalang umalis ng walang pasabi. Alam mo bang sobra akong nag-alala at nangulila sa iyo ng mawala ka. Akala ko hindi mo na ako kaibigan. Akala ko wala ka na. Inakala ko ngang namatay ka na. Akala ko...." at napahagulgol na ako ng iyak. Lumapit siya sa akin at ngayon siya na ang yumakap. Hinaplos niya ang aking likod gamit ang kaniyang mga kamay.

"Tahan na Sammmy, Oo nawala ako ng limang taon, pero nandito na ako. Muli akong bumalik para mag-simula muli. Kalimutan mo na ang nakaraan. Ibaon mo na sa limot ang mga alaala ng kahapon. Takasan mo na ang mga nangyari nuon. 'Wag ka ng umiyak" makahulugan niyang sagot.

Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sa kaniya kahit ang totoo ay gusto ko pang makulong sa kanyang mga bisig. Inilapit ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha para pawiin ang mga luhang kanina pa nakadikit sa aking mga pisngi. Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ko maintindihan ang mga sinabi mo Summer. Ang lalim kasi" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Napangiti rin siya sa akin. "Maiintindihan mo rin iyon, pero hindi pa ngayon, ang mahalaga ngayon ay nakabalik na ako." sagot niya.

"Wala ka bang baon na kwennto sa akin? Ano ba nangyari sa iyo sa loob ng limang taon?" pangungulit ko sa kanya.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now