SHADOW 7

325 29 0
                                    

"Sammy anak saan ka ba galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sa iyo ng Papa mo!" pag-aalalang bungad sa akin ni Mama ng makauwi na ako sa bahay. Hindi ko na namalayan kanina na kasama ko sila Mama sa park dahil ang nasa isip ko lang ay si Summer.

Matapos kong makita ang lukot na pusong papel kanina ay bigla akong napatakbo. Hinanap ko kung saan nagpunta ang lalaking naka-hood. Alam ko siya si Summer, wala ng iba pa. Siya na ang matagal ko ng hinahanap. Ang kaibigan kong matagal ng nawala. Ang minamahal kong matagal ko ng inaasam na makasama.

Ilang oras ko ding inikot ang buong park sa pag-aakalang nandun pa din siya, pero bigo akong makita siya. Nagtanong-tanong na din ako sa mga tao sa park kung may nakita silang lalaking nakajacket na may hood, pero walang naka-pansin sa kanya.

Tumigil lang ako sa pag-hahanap sa kanya ng mag-alburuto na ang aking tiyan sa gutom at ng namalayan ko na dapit-hapon na pala.

"Hey Sammy, kinakausap kita. 'Di mo ba ko kaka-usapin? Saan ka ba nanggaling?" tanong muli ni mama sa akin.

"Ma! Nakita ko na si Summer. Nakita ko siya sa park" masaya kong sagot kay Mama.

"Sinong Summer?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Ma, yung kaibigan ko nu'ng elementary. Yung nasa kabilang kanto, yung lagi mong pinapagalitan dahil laging pinapasok ang tsinelas niya dito sa bahay" reply ko kay Mama

"Sus maryosep, Samantha! Pinag-lololoko mo ba ako?" inis na sagot sa akin ni Mama

"Ma, 'di kita niloloko, nakita ko siya kanina sa park. Eto nga oh may iniwan siyang papel. 'Di ba ganito po yung mga binibigay niya dati sa akin," sagot ko kay Mama sabay pakita ng lukot na pusong papel.

Napatulala si Mama. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya, siguro nagulat din siya dahil muling nagbalik si Summer. Saksi kasi si Mama sa kulitan namin ni Summer nung kami ay mga bata pa. Parang anak na din ang turing ni Mama kay Summer nuon dahil wala akong kapatid, kaya lagi niyang sinasabi magturingan kaming dalawa bilang isang tunay na magkapatid.

"A-anak. Ba-ka hindi ga-ling 'yan kay Summer, kasi di-ba, wala na si Su..." hindi na naituloy ni Mama ang kaniyang sasabihin ng biglang may sumingit sa aming usupan.

"My little princess" hiyaw ni Papa sabay takbo sa akin at yumakap. "Akala ko kung napano ka na. Inikot ko na ang buong subdivision pero walang nakakita sa iyo. Nag-report na din ako sa guard sa entrance gate baka nakita ka nilang lumabas. Masyado mo akong pinag-alala. Kami ni Mama mo." mahabang paliwanag ni Papa.

"I'm so sorry Pa, nakalimutan ko na kayo ni Mama kanina" paumanhin ko kay Papa

"Okay lang 'yun, ang mahalaga okay ka. Nga pala saan ka ba galing at inabot na kami ng hapon sa paghahanap sa iyo?"

"Nasa park lang po ako Papa, di ko nga alam kung bakit di niyo ako nakita duon. Pero alam mo Pa, nakita ko na si Summer. Umuwi na po siya dito sa subdivision natin." masaya kong sagot kay papa.

"Summer?" pagtatakang tanong ni Papa

"Pa, pati ba naman ikaw? Kayo ni Mama 'di nyo matandaan si Summer? Siya 'yung kaibigan ko na laging nandito sa bahay nung 12 years old ako. Siya yung lagi kong kalaro. 'Di ba nga siya lang naman ang kaibigan ko."

Kagaya ng reaksyon ni Mama, napatulala din si Papa. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya mag salita. "Ano? Sigurado kang si Summer 'yung nakita mo? Paano siyang bumalik eh matagal na siyang pa..." hindi na naituloy ni Papa ang kanyang sasabihin ng magsalita na si Mama.

"Alam niyo kumain na lang tayo. Gutom lang iyan Sammy. Honey halika na, kumain na muna tayo" singit ni Mama.

Marami ring kaming napag-usapan nila Mama at Papa habang kumakain. Pero hindi naman napag-usapan ang tungkol kay Summer. Every time na i-oopen ko ang tungkol sa aking kaibigan, bigla nilang iniiba ang usapan. Nagtataka ako bakit gulat na gulat sila ng malamang bumalik na si Summer. Siguro dahil 'di sila makapaniwala dahil parang bula nalang itong nawala after five years tapos bumalik na ito. Siguro dito na din siya mag-aaral. Yihey, magkakasama na ulit kami.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now