SHADOW 14

217 22 3
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa mga isiniwalat niya sa akin. Maiinis, magagalit, malulungkot o maaawa. Maiinis dahil ang rimot pala niya. Magagalit dahil siya ang panganay dapat siya ang magpasensiya. Malulungkot dahil sa nangyaring aksidente kay Summer. Maaawa dahil umiiyak siya ngayon.

Oo. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya habang patuloy siya sa kaniyang pagkukwento. Hindi mo aakaling ibang tao pala siya. Kung ikaw ang makakakita, aakalain mong siya si Summer. Mula sa laki, itsura, tindig at pananalita, siyang siya. Gayang-gaya, kuhang-kuha!

Napatulala ako sa kaniya. Halos hindi ko na nga maintindihan ang mga kinukwento niya dahil nakatitig lang ako sa kaniya. Nabigla nalang ako ng may tumulong mga luha sa kaniyang mga mata habang siya ay nagkukwento.

Ito ang naging dahilan upang manumbalik ang aking pandinig. Mula sa aking pagtitig sa kaniyang maamong mukha, narinig ko ang mga salitang nagpakabog ng aking dibdib.

"Si Summer.

Ang kakambal ko.

Ang bunso kong kapatid.

Nasa ilalim ng bike ko, duguan at walang malay."

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa mga isinuwalat niya sa akin. Maiinis, magagalit, malulungkot o maaawa. Maiinis dahil ang rimot pala niya. Magagalit dahil siya ang panganay dapat siya ang magpasensiya. Malulungkot dahil sa nangyaring aksidente kay Summer. Maaawa dahil umiiyak siya ngayon.

Huli na ng maramdaman kong umiiyak na din pala ako. Marahil nadala ako ng kaniyang kwento.

"Umiiyak ka na rin" wika niya

"Hindi ko nga namalayan, nakisabay na pala ako" pilit kong ngiting sabi.

Hindi na siya nagsalita pa, bagkus ay ngumiti na lang siya.

"Ano nga pala ang nangyari kay Summer after niyang maaksidente?" tanong kong bigla.

Matagal bago siya nakapagsalita. Waring inaalala pa ang mga nangyari.

"Simula nuon, namuhay na akong hindi siya kasma" makahulugan niyang sagot

"Ha?" pagtataka kong tanong

"Napaka-habang kwento!" sagot niya

"Pero gusto kong malaman!" determinado kong tugon

"Ayoko ng alalahanin iyon. Masasaktan lang ako" sabi niya

"Pero.." sagot ko. Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin.

Hindi na siya muling sumagot pa. Matagal kaming natahimik. Walang gustong magsalita sa amin, hanggang maisipan kong magsalita na.

"Alam kong wala ako sa posisyon na manghalungkat ng nakaraan niyo ng kakambal mo, pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari. Baka hindi ako matahimik pag hindi ko nalaman ang kabuuang nangyari sa kaniya" diretso kong sagot.

Hindi siya nagsalita, bagkus tiningnan lang niya ako. Mata sa mata.

"Nasimulan mo na ang kwento. Baka pwede mo namang tapusin."muli kong sabi. "Please!" dugtong ko pa.

Bigla naman siyang ngumiti at ibinuka ang kaniyang bibig, senyales nag kaniyang pagsasalita.

--------------------------

Hindi ko alam ang aking gagawin nuon. Naninigas ang aking katawan. Gusto kong lapitan at takbuhin ang aking kakambal, pero bigo ako. Gustohin ko mang tulungan siya, pero hindi ko magawa. Hirap na hirap akong titigan ang aking kapatid sa ganung posisyon at kalagayan.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now