SHADOW 16

225 21 2
                                    

Nagmadali akong pumunta sa bahay. Hindi ko alam kung paano ako naka-alis sa haunted house nila Winter, hindi ko rin namalayan na hindi ko pala siya naisama. Bakit nga ba hindi siya sumunod? Hindi ko na iyon inisip pa, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang meron sa hawak ko ngayon, ang pusong papel.

Nakarating na ako sa aming bahay. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko ng hawakan ko ang door knob ng pinto. Kanina lang nagmamadali ako, pero bakit parang natigilan ako. Parang may kakaiba na naman akong nararamdaman na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.

Pinihit ko ng tuluyan ang door knob at biglang pumasok sa aming bahay.

Nabigla ako sa aking mga nakita. Bakit siya naririto? Papaano niya nalaman ang aming bahay? At hindi lang yun ang pinagtataka ko. Bakit may Doctor dito? Maysakit ba si Mama? Si Papa?

"Oh anak nandirito ka na pala!" gulat na sabi ni Papa

Hindi ko sinagot ang tanong ni Papa, bagkus ay muli akong napatingin sa taong nasa aming bahay.

"Anong ginagawa mo rito Rhon? Papaano mo nalaman ang aming bahay? Saka bakit may kasama kang Doctor?" sunod-sunod kong tanong

Hindi na mapakali si Rhon sa kaniyang pwesto. Gusto niyang magsalita pero parang natatakot siya.

"Ah anak, umupo ka muna!" sabi ni Mama

Sumunod nalang ako kay Mama. Habang umuupo, hindi ko pa rin makuha kung bakit naririto si Rhon.

"Rhon, sagutin mo ako, ano ang ginagawa mo rito?" muli kong tanong

"Ano kasi Samantha, kasi ano, paano ba ito.." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin

"Ano?"

"Kasi nababaliw ka na!" sabi niya

"What?" pabigla kong sabi na nagpatayo sa akin. "Anong nababaliw? Ikaw ata itong nasisiraan na ng bait. Paano mong nasabing nababaliw na ako?" dugtong ko pa

"Dahil sa Imaginary Boyfriend mo. Natatakot na ako sa iyo. Lagi mong kinukwento na hinintay ka ng Boyfriend mo sa oval after ng class natin, pero wala naman akong makitang kasama mo. Lagi kang nagsasalita mag-isa, minsan nakita kita na parang may niyayakap pero wala naman. One time, pauwi na tayo, sinundan kita, nagmamadali kang tumatakbo na parang may kahawak kang kamay, pero wala ka namang kasama. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi lang kita isang beses na nakita, halos isang lingggo kitang minamanmanan, pero iisa lang ang nakita ko, Ikaw na kinakausap ang hangin. Para kang siraulong nakikipag tawanan sa kung sino, pero wala ka naman talagang kasama. Kaya minabuti ko nalang na pumunta dito sa inyo, para masabi ko sa magulang mo ang totoo." mahaba niyang litanya

"Are you f*ucking serious Rhon? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? So ipinaparating mo na nababaliw na ako? Na wala talaga akong kasama? Na nahihibang lang ako? Eh mukhang ikaw ata ang kaylangang magpatingin sa Doctor na iyan. Hindi ako Baliw. Totoo si Summer. Totoo siya.!" Hiyaw ko.

"Anak huminahon ka. Mapag-uusapan natin ito ng maayos" sabi ni Papa

"Pa, paano akong hihinahon? Sinabi niyang nababaliw na ako. Pa hindi ako baliw, alam niyo yan, saka nakilala niyo na si Summer diba? Nakita niyo na siya." pagwawala ko.

"Samantha anak, panahon na siguro para malaman mo ang totoo" seryosong sabi ni Papa

"Malaman ang totoo? Pa ang alin? Alin ang dapat kong malaman?

"Anak wala na si Summer. Patay na siya. Saksi kami sa aksidenteng nangyari sa kaniya. At ang Summer na pinakilala mo sa amin noon, hindi siya si Summer. Kakambal niya yun anak. Si Winter." naluluhang pahayag ni Papa

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now