SHADOW 18

339 21 10
                                    

"Summer, Waaaaaaaag!" hiyaw ko na nag-pa-alingaw-ngaw sa lugar kung saan kami naroroon.

Nasa gilid kami ng burol, or would I say simenteryo. Matapos akong kaladkarin ni Summer kanina ay dito niya ako dinala sa pinaka tuktok nito, na kung saan matatanaw mo ang isang bangin. Mula sa taas makikita mo ang mga kabahayan ng buong bayan.

Dito sa lugar na ito una kong naramdaman ang kasiyahan, kasiyahan na dulot ni Summer. Ang unang pagkakataon na makita ko ito, masasabi kong nainlove talaga ako rito.

Pero ngayun, nagbago na ang lahat. Ang taong nagpamulat sa akin sa lugar na ito, ang siya ring palang sisira sa mga masasayang alaala namin.

"Summer please, bitawan mo ako. Maawa ka naman sa akin. Wag, wag mo akong ihulog please" impit kong pagmamaka-awa sa kaniya

Sakal sakal ako ngayon ni Summer na siyang nagpipigil sa aking pag-hinga. Nakataas na ang aking mga paa na waring binibigti niya. Masakit, Oo, sobrang sakit ng ginagawa niya sa akin. Hindi ko alam na aabot kami ngayon sa ganito. Ang akala kong pagmamahal ay napalitan na ng poot. Ang kaniyang mapupungay na mga mata, ay hindi ko na makita.

GALIT! Yan ang naglalarawan sa mukha niya ngayon. Galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Hindi ba dapat ako ang magalit sa kaniya? Pero bakit ganun? Bakit parang siya pa ang naloko at hindi ako?

"Samantha, nangako ka. Nangako ka na hindi mo ako iiwan kahit na ano ang mangyari, kahit ang kapalit pa ng pagsasama natin ay kamatayan. Diba? Pero bakit takot na takot ka sa akin? Bakit parang hindi mo ako minahal. Bakit mo ako pinagtatabuyan? Ano bang mali sa akin? Dahil ba patay na ako? Hindi iyon mali Samantha. Naiparamdam ko naman sa iyo ang pagmamahal ko, ang tunay kong damdamin sa iyo. Pero bakit hindi mo pa rin ako matanggap?"

Punong puno ng galit ang kaniyang mga salita. Muling nagbadya ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Ramdam ko ang bawat salitang lumabas sa kanyang mga boses. Alam kong mahal na mahal niya ako. Ganun din naman ako sa kaniya. Pero hindi ko maiaalis na hindi na pwedeng maging kami.

"Su-summmer" salitang impit na lumabas sa aking mga bibig. Gusto ko sanang sagutin ang kaniyang mga sinabi, pero nahihirapan na ako. nagpupumiglas, pero sobrang lakas niya. Hindi ko lubos na maisip na kaya niya akong buhatin ng ganun ganun na lang. Pilit kong kinakalas ang kaniyang pagkakasakal sa akin pero hindi ko talaga kaya. Pilit pa niya iyong hinigpitan na nagpakaba sa akin ng todo.

Butil butil na ang mga pawis na lumalabas sa aking nuo, at buong katawan. Malakas naman ang hangin pero hindi ko parin maiwasan ang pagpawisan sa ganuong posisyon.

"Samantha, sabihin mo lang na Mahal mo ako, ng hindi ka na mahirapan, yun lang ang gusto kong marinig"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Nablanko na ang utak ko. Feeling ko anytime pwede na akong mag pass out.

"Sabihin mo!" hiyaw niya

"Su-summmer!"

"Hindi kita ihuhulog Samantha, Trust me! Sabihin mo lang na Mahal mo ako, at babalik na tayo sa dati. Hindi mo na kailangang mamatay para sa akin. Dahil pwede tayong magmahalan kahit na ganito na ako. Basta sabihin mo lang na Mahal na Mahal mo ako. Na hindi mo kayang mawala ako." malambing na boses na sabi niya

"Su—summmer! Maha.."

"SAMANTHA!" salitang muling nagpa-buhay ng dugo ko. Muli akong nabuhayan ng loob. Hindi ko alam pero feeling ko, ito na yung pagkakataon para makaligtas ako.

Kahit hirap na hirap na ako, tiningnan ko parin kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. At hindi nga ako nagkamali, galing iyon kay Winter. Pero paano? Hindi ba't siya ang kausap ko lang kanina ng biglang lumabas si Summer sa katauhan niya. Sumanib ba ang patay na kaluluwa ni Summer kay Winter? Pero hindi, kasi parehas ko silang nakikita. Pero kung hindi ganun, isa lang ibig sabihin nun, si Summer talaga ang kasama ko kanina sa bahay.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now