SHADOW 15

231 22 2
                                    

"Kung ganoon nga nangyayari, multo na ang kasama mo. Multo na ang Boyfriend mo!"

Mga salitang nagpanganga sa akin. Para itong lyrics sa kanta na paulit ulit na pumapasok sa aking isipin. Parang iyak ng batang kumikirot sa aking damdamin. Para itong buhos ng ulan na hindi ko mapigilan. Parang malakas na sampal na nag-pabalik sa aking matinong pag iisip.

Ang Boyfriend ko? Si Summer? Isang multo?

Hindi ako makapaniwala. Sobrang nanghihina ang aking mga tuhod. Sobrang nanginging ang aking katawan. Hindi ako makapag-salita. Paos ang aking mga boses. Mugto ang aking mga mata. Nag-iinit ang aking mga pisngi. Bingi na ang aking mga tenga.

Hindi ko alam ang dapat na gawin. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon sa aking mga nalaman.

Dapat ba akong magalit sa kausap ko?

Dapat ba akong mainis kay Summer? Kasi all this time niloloko niya lang ako.

Dapat ba akong magwala kasi all this years, for five fucking years, ngayon ko lang nalaman na patay na si Summer.

Pero ang tanong, bakit hindi ko magawang maniwala na patay na siya? Bakit pakiramdam ko buhay na buhay siya. Bakit ang hinihiyaw ng puso ko magtiwala lang ako sa kaniya, na umasa akong buhay talaga siya.

Hindi ko na alam ang dapat na gawin. Hirap na hirap na ako. Pagod na pagod na ako sa paulit-ulit na kasinungaling ito.

Multo siya? Pero bakit ko siya nakakausap? Nakakasama? Nahahawakan at nayayakap?

Kaylangan kong malaman ang totoo. Kaylangan kong mapatunayan na totoo nga ang sinasabi nila. At isa lang nag magpapatunay non, walang iba kundi si Summer.

Kahit na nahihirapan ako, nagawa ko pa ring tumakbo. Nagawa ko pa ring pagalawin ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, pero ang alam ko lang kaylangan ko siyang makita. Kaylangan kong malaman ang mga kasagutan sa napakaraming tanong na gumugulo sa aking isipan.

Walang tigil ako sa pagtakbo, wala akong paki-alam kung saan ako dalhin ng aking mga paa, basta kaylanagn ko lang siyang makita.

"Teka lang sandali!" hiyaw ng lalaking sumusunod sa akin.

Kilala ko siya. Siya ang kakambal ni Summer.

Hindi ko siya pinansin bagkus, pinagpatuloy ko lang ang pag takbo, ng biglang,

Napaupo ako. Naramdaman ko ang sakit ng aking pang-upo. Nasa kalsada pala ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Napalingon ako sa aking harapan at nasilaw ako sa ilaw na tumatama sa aking mukha. Tiningnan ko ito ng mabuti, isa palang truck ang nasa aking harapan.

"Ano ba bata? Magpapakamatay ka ba? Kung gusto mong mag-pakamatay wag mo kaming idamay!" sigaw ng driver ng truck

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya sinagot.

Nagbusina na ng ilang beses ang driver, pero hindi ko pa rin siya pinansin

"Taekang bata ka. Lumayas ka diyan. Perwisyo ka sa buhay ng iba!" muling sigaw ng driver.

Sasagot na sana ako ng may maramdaman akong bisig na bumuhat sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Maiinis ba ako, magagalit, matutuwa o kung ano pa man.

"Ibaba mo nga ako!" inis kong sabi sa taong bumuhat sa akin

"Nababaliw ka na ba? Balak mo bang magpakamatay? Ano? Para sundan siya? Para makasama siya? Baliw ka na palang talaga!" bulyaw niya sa akin.

Tiningnan ko ang lalaking humiyaw sa akin. Siya na naman? Ang kakambal ng Boyfriend ko.

"Hindi ako magpapakamatay. Mas lalong hindi ko siya susundan. Kaylanagn ko lang makita ang peste mong kakambal. Kaylangan masagutan ang mga tanong na nagpapabaliw na sa akin!" sagot kong bulyaw sa kaniya

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now