SHADOW 4

420 48 1
                                    

"Summer sandali lang. Bakit ka ba tumatakbo sa akin?" Patuloy pa din ako sa paghabol sa kaniya.

Pagod na pagod na ang aking mga paa sa kahahabol sa kaniya. Bakit ko ba siya hinahabol? Hindi ko din alam ang sagot.

Kanina pa ako takbo ng takbo. Hinayaan ko lang ang aking mga paa na habulin siya. Lumipas na ang maraming minuto pero hindi pa din tumitigil sa pagtakbo si Summer, gayon din ako.

Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Wala na akong makita kun'di ang likod ni Summer. Nasaan na ba ako? Nasaan na ba kami? Bukod kay Summer na palayo ng palayo ang agwat sa akin, wala na akong ibang makita kun'di isang paligid na puting puti.

Dala na rin siguro ng pagod, bigla akong napahinto. Hingal na hingal ako. Patuloy lang ako sa paghabol sa aking hininga.

Huli na ng namalayan kong wala na si Summer sa aking paningin. Nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko siya makita

"Summer! Summer nasaan ka?" hiyaw ko. "Summer please lumabas ka na. Hindi na ako natutuwa. Summer please!" Pagmamakaawa ko, ngunit wala pa ding Summer ang lumilitaw.

Muli kong nilibot ang aking paningin, ngunit wala talaga akong makita kundi isang lugar na nababalutan ng kulay puti.

Nasa langit ba ako? Kanina lang nasa kwarto pa ako. Kanina lang nakita ko si Summer sa park. Kanina lang kasama ko pa siya. Tumakbo pa nga siya at hinahabol ko. Pero nasaan na ba siya? Nasaan na ba ako?

Bigla na lang ako napaupo, at namalayan kong umiiyak na pala ako.

"Summer nasaan ka ba? Magpakita ka naman sa akin" bulong ko sa aking sarili.

Sa pagmumuni-muni ko ay may naramdaman akong nakatingin sa akin. Bigla akong tumayo at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.

"Summer? Summer nandiyan ka ba? Summer nasaan ka? Please magpakita ka sa akin. Mag-usap tayo" ang mahaba kong pakiusap, pero sa huli wala pa ding Summer ang nagsalita.

Inikot kong muli ang aking mata sa paligid, ngunit wala talaga akong makita kundi isang lugar na nababalutan ng kulay puti.

"Psssssst"

Nagulat ako ng may marinig akong pagsitsit.

"Psssst".

"Pssssssssst" At isa pa ulit na pagsitsit.

"Summer pwede ba? Wala akong balak na makipagbiruan sa 'yo" sagot ko sa pagsipol niya.

"Summer lumabas ka na! Ayoko na! Sige na talo na ako sa pagbibiro mo, panalo ka na. Pero pwede ba lumabas ka na? Pagod na pagod na ako" pakiusap ko.

Pero walang sumagot. Walang reply.

Nag hintay pa ako ng ilang sandali baka sumagot na siya, pero wala talaga.

Naiinis na ako. Ayoko na sa biruang ito! Sobrang pagod na ako! Tumalikod na ako at balak ko na siyang iwan, ngunit pagharap ko, nandun siya, nakatayo. Nakatayo habang nakatalikod sa akin.

"Summer ano ba ang problema mo ha? Bakit di mo sa akin sabihin? 'Di ba magbestfriend tayo? Pero bakit ka nagkakaganyan? Summer naman oh. Ano ba problema?" pagsusumayo ko

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatayo. Ayaw niya akong harapin.

"Summer Trevor! Ano ba? Anong bang problema? Bakit di mo ako kausapain? Mukha na akong tanga" pahiyaw kong sabi sa kanya.

"Hindi mo na sana ako sinundan" malumanay niyang tugon.

"Ano? Matapos akong tumakbo ng pagkalayo-layo, habulin ka, magmukhang tanga sa pagsunod sayo, 'yan lang ang sasabihin mo sa akin? Na dapat hindi kita sinundan? Anong klaseng sagot 'yan!" Naiinis kong tugon sa kaniya.

"Hindi mo ako naiintindihan Samantha. Hindi mo alam ang pinapasok mo." Sagot niya sa akin.

"Ako pa talaga ang hindi makaintindi? Paano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo. Paano kong maiintindihan kung layo ka ng layo sa akin. Saka anong pinapasok? Ano ba ang pinasok ko? Ang mundo mo? Ang pagsunod ko sayo? Saka bakit Samantha nalang ang tawag mo sa akin. 'Di ba Sammy ang tawag mo sa akin? Sabihin mo nga Summer, ano ba talaga ang problema mo?" mahaba kong tugon sa kaniya. Hindi ko namalayan umiiyak na naman pala ako.

"Samantha umuwi ka na. Layuan mo na ako."

"Umuwi? Layuan ka? Ganun lang 'yon? Bakit di mo ako harapin at sabihin sa akin 'yan ng harapan. Ang bakla mo naman Summer. Duwag ka! Duwag ka kasi di mo masabi yang tunay mong nararamdaman. Bestfriend mo ako Summer, pero bakit di mo sa akin masabi ang problema mo? Saka bakit 'di ka humarap sa akin. Ang bastos mo, kinakausap kita pero ayaw mo akong lingunin." ang naiiyak kong sabi sa kanya.

Hindi na siya nagsalita, hindi na siya gumalaw pa.

Sa sobrang pagkainis ko sa kaniya dahil 'di na siya sumagot pa, unti-unti akong lumapit sa kanya. Ngayun ko lang napansin na parang tumaba siya, na parang tumangkad siya. Nakasuot siya ng black na jacket na may hood.

Ang lapit lang ng agwat naming dalawa, pero feeling ko napakalayo ko sa kaniya. Na feeling ko ang layo layo na ng nalakad ko pero di pa din ako mapalapit sa kanya.

"Wag ka ng lumapit pa Samantha. Umuwi ka na" ang pag-babanta niya.

Hindi ko na siya sinagot pa. Diretso lang ako sa kanya hanggang abot kamay ko na siya.

"Sum-mer. Ha-ra-pin mo naman a-ko" nanghihina kong tugon sa kanya

"Hindi mo gugustuhing makita pa ako, Samantha" sagot niya.

"Pe-ro gusto ki-tang ma-kita. Gustong gus-to ko.," mabilis kong tugon sa kanya kahit nauutal ako.

"Ayoko! Samantha umuwi ka na. 'Wag ka ng makipag kita sa akin" ang madiin niyang sagot sa akin.

"Hindi! Mag-usap tayo! Ayoko ng patagalin 'to." Madiin ko ding reply sa kaniya. Sa sobrang desperada kong makausap siya ng harapan, hinawakan ko ang balikat niya at hinarap sa akin.

Napatulala ako.

Napanganga.

Nanginig ang mga tuhod ko, at bigla na lang akong napaluhod.

Biglang nagsilabasan ang mga likido sa mga mata ko at unti-unting dumaloy sa pisngi ko.

Hindi mapaalis ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ako makapag-salita. Gulat na gulat ako.

Si Summer.

Si Summer.




Si Summer...










Si Summer...,

Walang mukha. At hinimatay na ako.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now