SHADOW 11

233 24 11
                                    

Matapos kong tanungin si Summer, hindi na siya sumagot pa. Hindi ko na rin siya inintriga na sagutin ang aking mga tanong. Siguro pagod lang siya sa trabaho, siguro ayaw niya nalang iyon pag-usapan, siguro, puro ako siguro.

Kilala ko na si Summer. Ayaw niya ng kinukulit siya, ayaw niya ng maraming tanong. Hinayaan ko na lang siya na wag sagutin ang huli kong tanong dahil busy na siya sa pagtingin sa mga dumadaang mga estudyante sa harapan namin.

"Ahm, Summer!" mahina kong sabi sa kaniya. Hindi siya sumagot ngunit tumingin naman siya sa akin.

"Kasi ano eh, Ahm paano ba ito. May.., May gusto sana akong sabihin sa iyo" nahihiya kong sabi sa kaniya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang mag-salita. Mas lalo naman akong kinabahan sa inaasta niya. May gustong gusto akong sabihin sa kaniya pero parang nahihiya ang dila ko dahil napaantras na ito.

Napansin yata ni Summer na di ko na naituloy ang sasabihin ko kaya siya na ang nag-salita.

"Kung hindi ka pa ready na sabihin ito sa akin, Ok lang. Sa susunod na lang" nakangiti niyang sabi

Bigla naman akong napahiya sa sinabi niya. Alam na kaya niya ang sasabihin ko? Biglang namula ang aking mga pisngi. Hiyang hiya ako sa nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko, dahil feeling ko di ako mapakali.

"Ahm, Summer, tara na. Uwi na tayo" pag-iiba ko ng usapan

"Maaga pa naman ah?" pagtataka niya

"Kasi ano eh, Ahm, sa labas na lang tayo mag-kwentuhan" sabi ko

"Sige" walang kalatoy-latoy niyang sagot sa akin.

Tumayo na siya, napatayo na rin ako. Nauna na siyang mag-lakad sa akin. Hindi ko alam kung san kami ngayon pupunta, basta ang alam ko lang masaya ako na kasama ko siya. Nanatili lang ako na naka sunod sa kaniya. Walang gustong mag-salita sa pagitan naming dalawa.

Ilang minuto din kaming nag-lakad ng namalayan kong nasa labas na pala kami ng gate ng school. Nakatayo kami sa waiting shed na abangan ng jeep.

"Ano ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya

"Ihahatid na kita pauwi sa inyo" sagot niya na walang ekspresyon ang mukha.

Bigla naman akong nalungkot. Gusto ko pa naman siyang makasama at maka-usap ng matagal, tapos iuuwi na pala niya ako. "Ah. I see." malumanay kong sagot sa kaniya.

Ilang minuto din ang lumipas ng may humintong jeep sa harapan namin. Nauna na akong sumakay at sumunod naman siya sa akin. Medyo maluwag pa sa jeep na nasakyan namin pero kapansin pansin ang magkadikit naming katawan ni Summer. Bahagya naman akong napangiti sa pwesto namin. Ilang sandali pa ng huminto ang jeep na sinasakyan namin, may isang matandang babae na sumakay, at tumabi malapit sa kinauupuan namin ni Summer.

Simula ng sumakay kami sa jeep hindi kami nag-uusap ni Summer. Nahihiya naman akong kausapin siya dahil busyng busy siya sa panunuod sa mga nag-kukwentuhang mga pasahero. Ilang sandali pa ang lumipas ng maisipan ko ng mag-bayad. Hindi ko na siya hiningan ng pamasahe dahil nahihiya ako sa kanya.

Bumonot ako ng pera sa aking wallet at inabot ito sa pasaherong malapit sa driver. "Excuse me po, makikisuyo po ng bayad, dalawa" sabi ko. Bigla namang napatingin sa akin si Summer. Napangiti na rin ako sa kaniya.

"Miss. Salamat sa libreng pamasahe ha. Sana hindi mo na ginawa iyon, may pambayad naman ako. Pero salamat iha ha." nakangiting sabi sa akin ng matanda.

Nilingon ko ang katabi ko, lalaki naman siya hindi babae. So ibig sabihin ako ang kausap ng matanda? Bigla akong nagtaka sa tinuran niya. Hindi ko naman siya nilibre, bayad ko iyon para sa amin ni Summer, hindi para sa akin at sa kaniya. Nginitian ko na lang ang matanda at napakamot sa aking ulo. Hindi ko na sinabi na hindi iyon para sa kanya, nakakahiya naman kung sasabihin ko kay lola na hindi siya ang binayaran ko. Napapangiti nalang si Summer sa nangyayari.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now