SHADOW 9

273 28 4
                                    

Matapos ng pagkikita namin ni Summer sa School, araw-araw na akong excited pumasok. It's been two weeks since I met him at the oval. Walang araw na hindi kami nagkikita sa lugar kung saan una kaming nagkausap, at 'yun ay sa oval ng school. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano siya nakakapasok sa school ko na hindi nalalaman ng guard. Hindi ko na siya kinukulit dahil naiinis siya 'pag paulit-ulit ko siyang tinatanong.

Masasabi kong malaki na ang binagbago niya simula ng mga bata pa kami. Kung dati siya ang nangungulit sa akin, ngayon baliktad na. Ako na ang madalas nangungulit sa kanya, nagtatanong at nag kukwento. Piling-pili lang ang mga bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Pero kahit ganoon, ramdam na ramdam ko ang saya kapag kasama siya. Walang araw na hindi niya ako binibigo 'pag gusto ko siyang makita at maka-usap.

"Dalawang linggo na pala simula ng bumalik ka" sabi ko sa lalaking katabi ko ngayon.

"Oo" mahikli niyang sagot.

"Nakakatuwa no? Parang ang bilis lang ng limang taon. Akalain mo 'yun, nung di pa kita kasama parang ang tagal tagal lumipas ng araw, pero simula ng magkita tayo, ang bilis nitong tumatakbo." masaya kong sagot sa kanya.

"May mga bagay talaga na kapag hinihintay mo, matagal dumating, pero kapag di mo hinintay, malalaman mo na lang tapos na pala ito" makahulugan niyang sagot sa akin.

"Ha? Ang lalim naman nu'n tol!" nakangiting sagot ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya bilang tugon.

Matagal na katahimikan bago siya muling nagsalita.

"Alis tayo."

"Saan naman tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Kahit saan. Hindi ba't wala ka naman ng pasok? Saka medyo maaga pa." sagot niya.

Napatingin ako sa relo ko. Oo nga, maaga pa at 3:30 palang ng hapon. Wala naman na akong klase since 3:00 pm ang uwian ko. Napag-usapan lang namin na magkita bago ako umuwi. "Oo nga, maaga pa. Saan naman tayo niyan pupunta? Gusto mo sa Mall?" tanong ko.

"Ayoko dun. Masyadong madaming tao" tugon niya.

Lahat nalang ng sinuggest ko na pwede naming puntahan, inayawan niya. Isa lang ang rason, ayaw niya raw sa maraming tao.

"Grabe ka. Lahat nalang ayaw mong puntahan, kesyo maraming tao, kyeso maingay. Eh saan mo gusto? Sa simenteryo?" inis kong tanong sa kaniya.

Bigla siyang ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Hoy, Summer! 'Wag kang ganyan. Ayoko dun. Ayoko sa simenteryo" sagot ko sa ngiti niya

"Why not 'di ba? Pwede naman do'n." sagot niya habang malaki ang ngiti.

"Summer, 'di 'yan magandang suggestion. Ayoko du'n. Kung gusto mo Ikaw nalang. Mamaya multuhin pa tayo do'n" sagot ko.

"Okay lang 'yun. Kasama mo naman ako. Saka hindi ka magagalaw ng mga multo du'n. Takot lang nila sa akin" replay niya.

"Para ka namang baliw Summer. Ayoko talaga du'n, natatakot ako," malungkot kong tugon sa kaniya.

"Eh, saan mo gustong pumunta?" nag-aalala niyang tanong

"Sinabi ko naman na lahat, pero wala kang nagustuhan. Kahit saan mo ako dalhin, 'wag lang sa simenteryo" sagot ko sa tanong niya.

"Kahit saan? Sigurado ka?" Paninigurado niya.

"Oo" maikli kong tugon

"Kahit sa kamatayan?" nakangisi niyang muling tanong

"Summer!" pabulyaw kong sigaw sa kanya. Pinag-hahampas ko ang balikat niya. Bigla siyang napatawa sa ginawa ko kaya napatawa na rin ako. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now