SHADOW 12

269 24 5
                                    

Ganito pala talaga ang pakiramdam ng may minamahal, hindi ka makakain, hindi ka makatulog, hindi ka makapag-concentrate sa mga dapat mong gawin. Lagi siyang pumapasok sa isip mo, pag gising mo, gusto mo lagi na siya ang unang makita, na siya din ang huli mong masisilayan bago pumikit ang iyong mga mata para matulog. Minsan hindi din maiiwasan na sumagi siya sa iyong panaganip. Meron ding mga pangyayari na nakikita mo siya sa ibang tao, sa classmates mo, kaibigan, sa prof and even minsan sa pagkain, mukha nya lang ang nilalaman ng plato.

Nakakatuwang isipin na darating ako sa point na ganito, na mararamdaman ko ang pakiramdam na mag-mahal at mahalin. Ibang klase nga pala pag-tinamaan ka na ng pana ni kupido. Hindi ko maikaka-ilang inlove ako. Oo. In-love na inlove na ako. Kanino? Tinatanong pa ba iyan? Malamang sa isang taong pinag-alayan ko ng puso ko limang taon man ang lumipas. Si Summer. Kay Summer ko lang naman inalay at iaalay ang puso ko. Isa lang naman ang puso ko, kaya dapat sa isang tao ko lang din ito ibigay, at kay Summer ko lang iyon inilaan.

Halos mag-iisang buwan na pala ang nakalipas ng umamin ako kay Summer ng aking tunay na nararamdaman sa kaniya. Nung una natatakot ako sa isasagot niya, natatakot ako na mareject, pero matapos ang gabing iyon ng mag-kaiyakan kami, at sa hindi sinasadyang pagkakataon na maihayag ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya, isa lang ang naging sagot niya na talaga namang ikinasaya ng aking puso.

*Flashback*

"Wag mo na ulit sasabihin na walang nag-mamahal sa iyo, dahil naiinsulto ako. Matagal na tayong mag-kasama Summer. Oo, matagal kang nawala, pero yung nararamdaman ko sa iyo, ni minsan hindi yun nabawasan. Kaya kung akala mong walang nag-mamahal sa iyo, tandaan mo lang ako, Ako si Samantha Alcantara, Mahal na Mahal ka." At tuluyan ng naglabasan ang mga luha na kanina ko pa iniiwasang wag lumabas.

Napatanggal sa pag-kakayakap sa akin si Summer. Halatang gulat na gulat siya sa aking sinabi. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa aking nakikita, mugtong-mugto ang kaniyang dalawang mga mata dulot ng pag-iyak. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya.

"Anong sinabi mo?" impit niyang tanong sa akin.

"Ahm, Ang sabi ko..," hindi ko maulit ang mga sinabi ko kanina. Hindi ko naman talaga gusto iyong sabihin, dala nalang siguro ng emosyon ko kaya nabitawan ko ang mga salitang iyon. Napayuko ako. Hindi ko magawang tingnan siya ng diretso. Nahihiya ako. Natatakot, natatakot na hindi niya maramdaman ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa kaniya. Natatakot akong ma reject. Natatakot akong masira ang pag-kakaibigan namin.

"Ano, kasi, ang sabi ko,." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumingit na siya

"Samantha, ganoon din ako sa iyo. Mahal din kita!" nahihiya niyang tugon

Rinig na rinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ako nabingi, pero parang gusto kong ipa-ulit sa kaniya. Napahinto ako, hindi ko alam ang aking aggawin. Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin. Totoo na ba ito? Tama ba ang mga narinig ko. Hindi ba ako nananaginip? Hindi ba ito kathang isip?

"A... anong sa.. sabi mo?" hindi ko maideretsong tanong sa kaniya

"Ang sabi ko, Mahal kita. MAHAL DIN KITA!" pagdidiin niya.

Bigla akong napa-iyak at napayakap sa kaniya. Walang kahit na isang salita ang lumbas sa aking bibig. Nanatili lang ang aking mga katawan na nakadikit sa kaniya. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang matagal ko ng itinatagong pagmamahal. Ang sarap sarap sa pakiramdam, ang saya saya ng puso ko. Tumatalon ang aking damdamin sa mga nagyayari. Kung isa man itong panaganip, Geez, please wag na sana akong magising pa.

-------------------------

"Ms. Alcantara!" hiyaw ng aking Prof. Bigla nalang akong bumalik sa ulirat ng marinig ko ang sigaw ni Ms. Avelino.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now