SHADOW 2

629 51 0
                                    

"Summer ano ba? Ibalik mo nga sa akin 'yang yoyo ko" Nakasimangot akong hinahabol ang kababata ko.

"Sammy, hindi bagay sayo itong yoyo. Panlalaki 'to. Ako dapat ang nag-lalaro nito hindi ikaw." Sabay balibag niya ng yoyo at kusa naman itong bumalik sa mga kamay niya.

"Eh yung tawag mo nga sakin na Sammy eh panlalaki din, pero pumayag ako. Kaya pwede din akong maglaro ng yoyo" sabay hablot ng yoyo, pero 'di niya pa din ito binibitawan.

"Sammy, magkaiba naman ang pagtawag ng pangalan sa paglalaro ng yoyo. O sige na nga, sayo na ito, baka magalit ka pa sa akin" sabay abot ng yoyo sa akin.

"Eh akin naman talaga ito eh"

"Ang dami mo pang sinasabi, tara na nga du'n at magduyan nalang tayo, iuugoy kita ulit."

"Ayaw ko nga! Noong isang araw nga lang, nung iugoy mo ako nalaglag ako. Ayoko na, baka mapagalitan na naman ako ni Mama."

"Eh ikaw naman may kasalan eh, napakalikot mo habang inuugoy kita. O sige bili nalang tayo ng ice cream." Bigla naman akong napangiti. Favorite ko kasi ang ice cream. Lagi kasi akong binibilhan ng parents ko 'pag pumupunta kami dito sa park after ng mass. Isa narin si Summer na laging nanlilibre sa akin sa tuwing nandito kami sa park.

"O diyan ka lang ha. Upo ka muna diyan sa damuhan, intayin mo ako"

"May pera ka pa ba?" tanong ko.

Tumawa siya. "Oo naman. May bente ako dito. Bigay ni Dad. Mag yoyo ka muna diyan ha," sagot niya ay nagmadali na siyang tumakbo papunta sa nagbebenta ng ice cream.

Hindi ko maiwasang tingnan si Summer sa malayo. Kaibigan ko na siya simula ng lumipat siya sa subdivision namin.

Dalawang taon na kaming magkaibigan sa edad naming labing dalawa.

Magka-edad lang kami pero mas matanda siya sa akin ng limang buwan.

Masaya ako 'pag kasama siya. Siya lang naging kaibigan ko dito sa lugar namin.

Sa school naman namin bihira ang kakilala ko. Siya lang talaga ang nag-iisang tinuturing kong kaibigan.

Sa katunayan nga crush ko siya pero 'di niya alam.

Marami na din kaming nabuong masasayang araw na magkasama.

"Sammy! Hoy!"

"Ay, Oh, eh bakit?"

"Kanina pa ako kaway ng kaway sayo. Nalusaw na nga itong ice cream oh." Tiningnan ko ang ice cream na hawak niya at unti-unti na nga itong nalulusaw. Yung iba nga ay umaagos na sa kaniyang kamay.

"Ano ba kasi 'yang iniisip mo at parang wala ka sa sarili? Kung hindi pa kita hiyawan di ka pa magigising sa pangangarap mo. Kanina pa kaya ako dito. O tingnan mo isa na lang itong ice cream na dala ko" mahaba niyang litanya.

Saka ko lang napansin na isa nga lang binili niyang ice cream.

"Oh bakit iisa lang 'yang binili mo?" pag-iiba ko.

"Actually dalawa to kanina, dahil sa tagal mong di ako pinapansin, naubos ko na 'yung akin"

Hala? Ganon ba ako katagal na nakatulala para maubos niya agad ang ice cream niya? Nahiya naman ako.

"Oh kunin mo na ito. Malagkit na ang kamay ko" sabay abot sa akin ng ice cream.

Thank you nalang ang nasabi ko. "Sige sayo muna itong yoyo ko, laruin mo muna 'yan habang kinakain ko ito. Sarap nito ah. Alam na alam mo talaga ang favorite ko" wika ko sabay dila sa ice cream na hawak ko.

"Naman, sa tagal na nating mag-kasama alam ko na mga gusto mo. Pati nga amoy ng utot mo alam ko na," sabay tawa niya.

"Grabe ka naman, ang dugyot mo" saad ko na muling kinatawa niya.

"Ahm, Sammmy"

Napatingin ako sa kaniya.

"Oh?"

"Ah.. eh., kasi ano., ano ba ito., kasi ano" Natulala ako habang hinihintay ang sasabihin niya. "Kasi... ano eh.."

Bigla akong kinabahan. Parang may aaminin siya sa akin. Bigla akong nag-blush. Feeling ko sasabihin niya na crush nya din ako.

Tinanong ko na siya dahil 'di na ako mapakali "Sum-Summer ano ba 'yung sa-sa-bihin mo? Diret-su-hin mo na ka-ya a-ko." nauutal kong sabi.

"Kasi..., ano eh." hindi niya pa din masabi sa akin.

"Ano nga 'yon?" painis kong tanong. Ang tagal niya kasing magsalita.

"Ano kasi, ano, ahhm, paano ba ito, ahm.., natatae na ako. Mauna na ako ha" sabay karipas niya ng takbo sa bahay nila.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pesteng 'to, akala ko sasabihin na niya na may crush na siya at ako iyon. Natatae lang pala siya. Kainis!

Hindi ko na tuloy inubos ang ice cream at itinapon na ito. Malamya akong lumakad pauwi sa bahay na inis na inis.

Shadow BoyfriendWhere stories live. Discover now