SHADOW 19: THE END

251 19 21
                                    

"Hindi pa ako patay Sammy" mga salitang paulit ulit na naglalaro sa isipan ko.

Lumapit sa akin si Summer na umiiyak. Bakas sa mga mata niya ang matinding pagkabalisa, pag-aalala at pangungulila.

"Miss na miss na kita Sammy. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan. Pero hindi na pwede. Limang taon ka ng wala. Please Sammy, gustuhin ko mang makasama ka pa, pero hindi na maari. Please, magpahinga kana Mahal ko. Please." pagmamakaawa niya sabay luhod sa harapan ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Ako? Kailangan ko ng magpahinga? Bakit? Paano? Mas lalo akong nagulat ng triny kong hawakan siya pero tumagos ang kamay ko sa katawan niya. Napatingin ako sa aking kamay na parang isang kaluluwang nasa mundo ng mga tao.

"No! Nooooo! Hindi ito totoo!" sambit ko habang unti unting umaatras ang aking mga paa. Kasabay ng pag-atras ko ay ang isang puntod na nagpanganga lalo sa akin.

Ang kaninang pangalan ni Summer ay napalitan ng pangalan ko.

SAMANTHA ALCANTARA
September 13, 1998 - September 12, 2010

So totoo nga. Totoo ngang ako ang patay at hindi siya. Pero papaano? Paanong nangyari ito?

********************

Nakita ko ang isang masayang babae habang inuugoy ng isang lalaki. Para silang mag karelasyon. Ang saya saya nilang tingnan. Pinagmasdan ko lang silang dalawa na masaya sa kanilang ginagawa. Hanggang sa inihinto ng babae ang ugoy ng duyan at tumayo ito.

Kinuha niya ang isang bagay sa bulsa niya. Isang Pusong Papel. Iniabot niya ito sa lalaking kasama niya. Matapos iyon, ay sumakay sila sa isang bisekleta. Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa isang bahay.

Inalalayan ng lalaki ang babae na makababa sa bisikleta. Kung titingnan ay napaka-gentleman ng lalaki dahil pinagbuksan pa niya ng gate ang babaeng kasama niya. Biglang hinalikan ng babae ang pisngi ng lalaki na kinabigla naman nito. Masayang nag wave ang babae sa lalaking kasama niya bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Kitang kita sa lalaki ang masayang ngiti nito lalo na at ang kaniyang kanang kamay ay nakahawak pa sa kaniyang pisngi na hinalikan ng babae. Muli siyang sumakay sa kaniyang bisikleta at idrinive ito gamit lamang ang isang kamay dahil nanatiling nakadikit ang kanang kamay niya sa kaniyang pisngi.

Sinundan ko ang lalaki kung saan ito patungo  hanggang sa huminto siya sa isang malaking bahay. Mabilis siyang pumasok sa loob nito at sinalubong siya ng isang lalaking kamukhang kamukha niya. Para silang pinagbiyak na bunga. Oo. Tama. Kambal sila. Super identical nilang dalawa na malilito ka kung sino ba talaga ang kasama ng babae kanina.

Biglang may hinugot sa bulsa ang isang lalaki at inabot niya ito sa kakambal niya. Ang Pusong Papel na binigay ng babae ay ibinigay niya sa kaniyang kapatid. Naguluhan ako sa aking nakita. Bakit naman nilukot ng lalaki ang natanggap niyang pusong papel? Galit ba siya dito?

Bigla akong nanumbalik sa totoong senaryo. Kitang kita ko si Winter na itinatayo ang kakambal niyang si Summer.

"Please, Bunso, tumayo kana! Wala na si Samantha. Wala na siya!" pagsusumamo ni Winter sa kaniyang kapatid.

"Kuya nandito lang siya. Kaharap natin. Hindi ako aalis hanggat hindi siya natatahimik. Ayokong nakikita siyang nasasaktan!" sambit niya na nakatingin lang sa akin.

Mas lalo akong nanlumo ng makitang nagmamaka-awa siya. Ano ba ang nangyari at dapat ko siyang patawarin?

Limang taon! Limang taon matapos akong mawala ay wala na akong ginawa kundi gawing miserable ang buhay niya. Hindi ko siya pinapatulog. Hindi ko siya iniiwan. Lahat ng gagawin niya ay nakasunod ako. Nung una ay todo iwas siya sa akin. Takot na takot siya hanggang sa nasanay nalang siyang kasama niya ako. Pero bakit ngayon, bakit ngayon ay gusto na niya akong mawala?

Shadow BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu