Chapter 2

24.9K 968 36
                                    

Chapter 2: Stranger and Gumiho

********

Shamira Reign Warl


"Shamira" napalingon ako kay Janella na hinihingal ng makapasok siya sa loob ng bahay ko. Nagtataka ko siyang tinignan lalo na ng bigla niya akong hilahin na parang may importanteng bagay siyang gustong malaman.

My right eyebrow arch because of her actions. What's with her?

"Totoo ba?" nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. "Totoo bang may nakausap kang mga taga royal academy kahapon?"

"Well unfortunately, yeah. why?" balewalang sabi ko. Napanguso na lang siya na parang bibe. "Hindi mo ikagaganda ang pagnguso mong 'yan" puna ko.

"Inaway mo daw sila kwento sa akin nung isang chismosa sa bayan" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Naglakad na lang ulit ako pabalik sa kusina at nagpunta sa may cupboard. Kinuha ko ang isang baso, kahit luma siya pero pwede mo pa rin namang inuman.

"Kasalanan na nila yun dahil sa ugali nila" matapos kong sabihin yun ay inis kong hinipan ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko at tuloy-tuloy na linagok lahat ng tubig na laman ng baso ko.

"Ang laki ng galit mo sa kanila" she said while chuckling, but I just ignored her.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Ah, oo nga pala. Pakipaalam na lang pala ako. Dalawang linggo siguro akong di makakapasok, alam mo na, kailangan kong tulungan sila inay" sabi niya at yinakap ako matapos ay nagpaalam na.

She just wave her hand until she reached the door then run, and she left me standing here while shooking my head. Mamaya madapa pa siya jan may pagkaclumsy pa naman siya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. I feel so blessed having janella as my bestfriend slash my sister slash my girlfriend. I am not a lesbian if that's what you think.

Lagi kasi siyang nandiyan para sa akin pati na rin ang mga magulang niya. Nang mamatay ang mga tumayong magulang ko noon ay sila na ang naging katuwang ko at nagpapasalamat ako ng marami dahil doon.

Halos makahinga ako ng maluwag ng matapos na ang klase namin. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko nga rin alam kung paano pa ba ako nakauwi. Basta ang alam ko lang ay nang matapos kong sabihin ang katagang yun ay humingi ng tawad ang babaeng kasama ng lalaking dumating kahapon matapos ay umalis na rin sila.

Naglakad ako papunta sa opisina ng principal dito sa paaralan. Kailangan ko lang kasing ipaalam si Janella dahil dalawang linggo daw siyang hindi makakapasok.

Kailangan niyang tulungan ang ina niya sa pagdedeliver ng paninda nila sa tatlong bayan na may pagka malayo mula dito sa bayan namin.

Kami ang mga mamamayan na parang pinabayaan na. Nabibilang kami sa mga unknown na nabubuhay pa sa mundong ito. Napakaswerte ng mga nakatira sa ilalim ng pangangalaga ng mga kastilyo. Mayroong limang kastilyo. Ang fire Castle, Water Castle, Air Castle, Land Castle at ang White Castle.

Sa limang kastilyong yan ay ang White Castlw ang pinakasentro sa lahat. Diyan rin nakatayo ang Royal Academy na gustong-gustong pasukan ng mga kagaya ko.

Pero para sa akin, wag na lang. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ako makakapasok diyan, isa pa wala naman na akong mga magulang. Iniisip ko nga rin kung ano pa ba ang silbi ko dito sa mundo.

Pinilig ko na lang ang ulo ko para matigil na ang mga kung anong mga pinag-iisip ko. Kumatok naman ako ng tatlong beses bago bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang babaeng may suot na salamin na pinapasok naman niya ako. Sa tingin ko ay siya ang secretary ng principal.

"Anong maitutulong ko sayo?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang po sanang ipaalam ang isang kaibigan ko dahil dalawang linggo daw po siyang hindi makakapasok" magalang na sabi ko. Napatango lang naman siya.

"Ganun ba, nasa loob pa kasi ang principal at may kausap pa" napakamot na lang ako ng batok sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko pa atang mag-antay. "Kung gusto mo ay isulat mo na lang ang pangalan ng kaibigan mo dito at ako na lang ang magpapaalam" tumango naman ako sa sinabi niya at sinunod ito.

Habang naglalakad pauwi ay bigla akong napatingin sa gubat ng biglang may narinig akong kakaibang ingay mula doon. Parang may sariling utak ang mga paa ko at kusa na lang na naglakad papunta doon. Sinundan ko ang pinagmumulan ng kakaibang ingay na yun.

Dahan dahan ang paggalaw ko kailangang maging alerto. Umatras ako ng kaunti para bumwelo at dali daling tumalon sa isang mataas na puno. Doon nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng cloak na puti at nagmamadaling tumakbo. Nakita ko ang isang itim na gumiho na humahabol sa kaniya.

Napailing na lang ako. Pinagdikit niya ang kamay niya at may kung anong ilaw na lumalabas mula doon pero pinagana ko nanaman ang kapangyarihan ko. Agad naman itong nawala kaya nagtataka siyang napatingin dito at agad na nataranta ng makitang malapit na ang gumiho sa kinaroroonan niya.

Agad naman akong tumalon at lumanding sa harap ng gumiho. Naglakad lang ako palapit sa kaniya at bigla na lang siyang napaupo at biglang bumilog ang malalaking mata niya kaya di ko maiwasang mapangiti. Ibinaba naman niya ang ulo niya sa akin kaya hinaplos ko ito. Mukha nga lang akong dwende sa kaniya dahil napakahigante ng gumihong 'to.

"Kin, may hinahabol ka nanaman" umungol lang siya na parang siya pa ang nagtatampo kaya napatawa ako. Nilingon ko ang babae na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Ikaw ba ang owner niya?" para siyang anghel dahil na rin sa light brown na kulay ng buhok niya. Ngumiti lang naman ako sa tanong niya at mabilis na umuling bago nagsalita

"Hindi po. Ang isang gaya ko ay kailan mang hindi nagkakariin ng guardian. Only the princes and princesses of the five kingdoms and of course including the other royalties.  May ginawa po ba siyang masama?" tanong ko at hinaplos ulit ang ulo ni Yumi na nakababa pa rin.

Ang guardian kasi ay para lamang sa mga prinsesa at prinsipe pati na rin ang mga maharlika. Sa mga prinsesa at prinsipe ay kusa silang nagkakaroon habang ang mga maharlika ay maari silang bumili ng guardian at napakamahal nun.

"Bigla na lang niya akong hinabol" napatango naman ulit ako. Sa tantiya ko ay mas matanda siya sa akin. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya at doon ay may napansin ako. Parang kapareho ko siya ng buhok.

Sa itaas kasi ng buhok ko ay light brown hanggang sa nagiging brown na siya at dark brown at black na kapag nakarating sa ibaba. Kapag pinutulan ang buhok ko ay hahaba rin lang siya matapos ang ilang oras. Ang pagkapreho namin ay may parang crystal ang buhok namin. Siguro nagkataon lang.

"Sorry, isa pa alam mo po bang hindi ka po dapat nagpupunta dito sa gubat. Mapanganib kasi lalo na po at maraming kung ano anong pagala-gala dito" simpleng sabi ko sa kaniya.

"Anong pangalan mo?" napatingin ako sa kaniya habang siya nakatitig sa akin. May kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko maipaliwanag.

"Shamira po" magalang na sabi ko sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Sige, mauuna na ako" parang natatarantang sabi niya pero nakuha pa rin niyang ngumiti sa akin. Dali dali siyang tumakbo na parang may hinahabol kaya ipinagkibit balikat ko na lang. Tumingin naman ako kay kin at nginitian na lang siya tapos ay inutusan ng nagtago ulit sa gubat at huwag ng basta bastang susugod o maghahabol ng mga kung sinong mapapadaan sa gubat.

But before I leave, something caught my attention. Err.. A bracelet? Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ito. "I'll just give it to her when I met her again" bulong ko sa sarili at tinago yun.

***********

Sorry for the typos kung meron man. Please vote and comment I need you opinion guys. :)

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now