Chapter 37

7.4K 259 39
                                    

Chapter 37
Loyal Slave


"What the fuck are you talking about!" mabilis na pinigilan ko si Zeke dahil sa reaksiyon nito.

Igting ang panga nito at kitang kita ko ang pagkakakuyom ng kaniyang kamao. His eyes is burning with fire, at literal na may lumabas na apoy sa kaniyang kamao dahilan para maalarma kaming lahat.

"Zeke, calm down!" maagap na sabi ko.

Saktong pagka-announce na maglalaban kami ay nakita ko kung papaano napangisi ang mga head dahilan para maningkit ang aking mga mata at hindi ko maiwasang kutoban. Nang tignan ko ang headmaster ay umiling lang rin ito at binalingan ang mga head na parang sinasabi na sila ang may pakana nito.

"Zeke" pagtawag ni Jiro sa kaniya. "Kailangan niyong harapin ito," seryosong sabi niya.

"Are fucking kidding me?" ngayon ay napailing na lang ako sa mga murang lumalabas sa bunganga nito.

"Look guys, ito ang listahan binigay sa atin at halatang plinano nila ito," dagdag niya. "You need to show them that you can do it, na hindi natin sila aatrasan."

"I agree, at isa pa, wala namang magbabago kung maglalaban kayo sa stage" sabat ni Sean. "Why don't you consider it as an extreme training," dagdag pa nito dahilan para bigyan siya ni Zeke ng isang nakakamatay na tingin.

"Actually" napalingon kami sa speaker ng magsalita ito, "hindi rin namin ito inaasahan, pero ang naisipan kasi ng head ay paglabanin muli kayong dalawa. Naalala niyo pa ba ang huling laban nila noong bago pa lamang si Shamira?" hyper na sagot nito ay lahat ng estudyante ay napa-yes sa tanong nito. "Ngayon ay gusto pa nilang makakita ng isa pang laban sa pagitan nila!"

Parang naturukan ng kung ano ang mga estudyante dahil lahat sila ay nagsisisigaw at nagsipalakpakan at naghiyawan dahil sa narinig nila.

"Seems like they were also waiting a fight of a two of you," nababahalang sabi ni Rain at napapailing.

"Halatang planado ito, but then, we must face it. Give them what they want," seryosong baling ni Jiro sa amin, "What matter happen inside the stage, kahit gaano pa kagrabe ang maging laban niyo, you should leave it on the stage at dapat walang magbabago pagkalabas niyo sa stage."

"Pero dapat ay maglaban kayo ng seryoso, give and show them a good fight. Give the head what they wanted," pag-sang ayon na rin ni Rain tapos ay binigyan niya ako ng isang ngiti na kung saan parang sinisuguro niya sa akin na wag dapat akong kabahan.

Muling tinawag ang pangalan namin kaya wala na akong nagawa kundi ang maglakad papunta doon lalo na ng ipagtulakan pa nila kami. Kahit si Zeke ay napabuntong hininga na lamang sa tabi ko.

"Sorry for everything that will happen later," sabi niya sa akin dahilan para lingunin ko siya.

"Ako rin, pero alam kong laban lang 'to, let's just give them a show," nakangising sabi ko na nakapagpangisi rin sa kaniya.

Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong harapin ng nasa malapit na kami sa stage. Kinabahan pa ako ng lumapit ito sa akin hanggang sa isang dipa na lamang ang agwat namin. Saka ako napapikit ng inilapit niya sa akin ang kaniyang mukha hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo dahilan upang mapangiti ako.

Mabuti na lamang at hindi ito kita ng lahat, though may ilang mga nakakita. Pero dahil nasa gilid na parte kami, hindi iyon nakita ng iba. It only shows that he cares for me.

Sabay kaming umakyat sa stage at pagkaakyat namin ay inactivate ang barrier at dali daling lumabas ang speaker na para bang mamamatay na siya pagnagtagal na siya doon. Pilit na kinakalma ko ang sarili ko dahil halos hindi ko alam ang gagawin ko. Sinasabi kong okay lang, simpleng laban lang ito but deep inside, maghihisterikal na ang puso ko sa kung anong gagawin ko.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now