Chapter 24

9.7K 323 18
                                    

Chapter 24

*****

Shamira Reign Warl

It's been a week at pareho kami ni Zeke na walang ibang ginawa kundi ang dumikit sa kambal. Siya kay Elle Siorzac habang ako naman ay kay Ellain Siorzac.

Mukhang pabor naman sa akin ang pagkakataon dahil kahit papaano ay nalalapitan ko si Ellain. May pagkamasungit at maasrte ngunit kaya namang pakisamahan. Kahit papaano rin ay nakakapagadjust na ako dito sa mundo nila.

At sa loob ng isang linggo, seems like Zeke became an instant hearthrob. I don't know how, but we just entered the school one day and many girls were yelling and willing to die for him. Marami sa kanila ang lantarang nagpapakita ng pagkakagusto nila dito, at marami rin akong mga kababaihang napapansin na tumitili para sa kaniya.

Hindi na rin kami gaanong nagtatabi o nagsasama dahil ang sasama ng mga tingin na binibigay nila sa'kin. Gaya ngayon, naglalakad ako sa may hallway. Nakita ko si zeke na kasama sila at tumatango tango lang dahil may kinukwento yun isang kasama nila. Hindi mapaghahalataan na kakaiba si Zeke kaysa sa mga mortal na taong ito. Kaya naman talagang ginagaya ko siya, nakikiblend sa mga tao at umaakto ng normal, at minsan gusto kong gamitin ang aking kapangyarihan pero mabuti na lamang at napipigilan ko.

Napag-usapan na rin naman na namin 'to sa bahay ni Tita Amanda. Labas ang nangyayari dito sa academy kapag magkasama kami sa bahay. Kapag nasa bahay nga kami ni Tita Amanda, ay mas nagiging close kami. He helps me to adjust here in the human's surrounding.

"Ang maibalik sila sa Mavherus, by hook or by crook in any ways. That's our mission here," yan ang sinasabi niya palagi sa'kin kapag napapansin niyang minsan hindi ko siya kinikibo o minsan na naiilang ako sa kaniya epekto na rin ng kung anong nangyayari sa loob ng academy.

I was about to passed the people who were gathering in one corner of the hallway when I heard someone's screaming.

"Tigilan niyo ako!" sinilip ko sila ang there I saw someone, a girl, who were helplessly lying on the floor with so many dirt and foods around her. Isa sa natutunan ko dito, ay ang salitang 'bully.'

Bahagya akong napailing, mga taong insecure at walang magawa sa buhay. Huminga ako ng malalim at wala sa sariling nag-cast ng spell ng walang nakakapansin. Isa sa mga bagay na hindi ko talaga maiwasang gawin na sa tingin ko ay hindi na maiaalis sa aking pagkatao.

Lahat ng tubig na nararamdaman ko malapit diyo sa pwesto namin ay mabilis kong pinagalaw at pinasabog sa pwesto namin ngayon. Kaya ang resulta ay lahat sila basang-basa habang ako ay nabasa ng kaunti.

Napailing na lang ako at mabilis na nilapitan ang babaeng umiiyak tsaka siya hinila paalis sa pwesto nila.

"Escape when you already have the opportunity to do it, don't just stare at them like that," hindi ko mapigilang sabi at hinila siya papasok sa clinic.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong wala nanaman ang nurse dito. As usual, I don't know where she is. Maybe doing something.

I gestured her to stay here, then I walk towards the cabinet where the nurse put some uniforms for both gender. Minsan na rin kasi akong nabasa at sinabi sa'kin ni Zeke na may mga extrang uniform daw dito.

"Here, you're wet. Better change" binigyan ko siyang ng isang maliit na ngiti. May pag-aalinlangan niya namang tinanggap yun at nagpalit na.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin siya suot ang uniform na kinuha ko galing sa cabinet. "Thank you," nahihiyang sabi niya.

Ngumiti ulit ako. "Welcome, next time don't let them bully you or treat you like that"

"Sanayan lang 'yan" hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya. Siguro ay buong buhay niya ay nabubully siya. "Ikaw si Mira diba? Yung transferee?" Hindi pa rin talaga ako sanay na Mira ang tawag nila sa akin.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now