Chapter 1

40.7K 1.3K 118
                                    


Chapter 1: The Royals

*******

Shamira Reign Warl


Tumayo ako mula sa lumang kama na pinaghigaan ko at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Isang lumang aparador at maliit na cabinet, yan lang ang makikita dito sa loob ng kwarto ko plus my drawing when I was still eight.

I stretch my body while yawning then look at my window and there I noticed Mr. sunshine's showing himself already. "Panibagong araw nanaman" piping usal ko at naglakad papunta sa isang sabitan para kunin ang kulay itim kong jacket na binili ko noong isang taon pa. Kasya pa naman sa akin yun nga lang ay may pagkakupas na, atleast pwede pang masuot.

I lazily walk towards the kitchen to get a cup of noodle I bought yesterday. Nagpainit na rin ako ng tubig at bumalik muna sa kwaro para i-ayos ko ang mga gamit ko tsaka napagdesisyonang maligo muna.

'Hayss, what a usual day'

Matapos maligo ay kinuha ko ang uniform ko sa loob ng aparador, isang blouse na kulay puti at mayroong itim na lining tsaka itim na palda na tinernuhan ko na rin ng sapatos na may pagka kupas. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para mabilis na kumain bago umalis ng bahay.

Naramdaman kong umakbay sa akin habang naglalakad ako pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ganoon rin siya. "Aga natin ah" nakangising sabi niya pero inirapan ko lang.

"Ang aga aga Janella dumadaldal ka nanaman" walang emosyong sabi ko. Pero hindi na lang niya ako pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nadaanan din namin ang ilang mga taong nagsisigawan dito sa bayan at mga babaeng chismosa na laging updated sa mga nangyayaring issue kahit na maliit na issue ay pinapalaki.

Napatigil ako sa paglalakad dahil kay Janella. Nakaakbay siya sa akin kaya nung tumigil siya ay napatigil ako kaya naman isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero hindi man lang siya natinag.

"Alam mo" sabi niya tapos itinuro niya ang isang poste kung saan nakapaskil ang litrato ng isang akademya na may napakahiganteng gate. Behind that huge gate is the Royal Academy where only elites wizards can study and enhance their power. "pagdating ng araw yayaman rin tayo at gusto ko kung may pagkakataon makakapasok tayo dito, pati na rin ang magiging mga anak ko" sabi niya habang nakangiti.

Lagi siyang positibo sa lahat ng bagay kaya naman napangiti na lang rin ako. Sa likod ng napakahigateng gate na tinutukoy niya ay isang akademyang pinapangarap ng mga tulad namin. Ang 'Royal Academy'.

Kaso ay ang mga mayayaman lamang ang may kayang makapasok doon. Napakamahal ng tuition baka nga kahit na buong buhay pa kaming magkandakuba-kuba sa pagtatrabaho ay hindi pa rin kami makakapasok jan.

"Tara na baka mamaya malate pa tayo" tsaka ko siya hinigit at pinagpatuloy ang paglalakad.

Palapit na kami ng palapit sa school ay nakita rin naman ang mga kagaya naming estudyante na nakasuot ng parehong uniporme gaya ng suot ko na papasok sa loob ng paaralan.

Mabilis na pumunta kami sa bulletin board para makita namin ang section namin para sa ngayong taon. Marami kaming naabutang mga estudyante na gaya namin ni Janella na hinahanap rin kung saan bang seksiyon kabilang. Nakipagsiksikan pa kami sa kanila na halos pagpawisan na kami para lang makita ang section namin.

Napatalon naman sa tuwa si Janella ng malaman niyang magkaklase pa rin kami. Dito kasi sa paaralan sa bayan ay may tatlong seksiyon lang bawat grade level. Kalahating araw lang rin ang pasukan namin dahil nga sa marami kaming mga estudyanteng pumapasok. Mayroong nakaschedule para sa umaga at mayroon naman para sa hapon.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now