Chapter 7

20.7K 677 11
                                    

Chapter 7

Freakin' power

********

Shamira Reign Warl

Nagising ako ng makaramdam ako ng uhaw kaya napatingin naman ako sa alarm clock na nasa gilid ko. It's five thirty in the morning, ito ang oras na kung saan madalas akong magising para matulungan si Janella sa kaniyang trabaho. Ngunit ngayon, wala ako sa bayan kundi nasa loob ng dormitoryo na tinutuluyan ko na ngayon sa loob ng akademya. Mabilis naman akong tumayo at naglakad papunta sa kusina dito sa loob ng dorm ko. Kumuha ako ng isang baso na babasagin mula sa lalagyan at uminom.

Wednesday ngayon at para makapag agahan ay kailangan mo pang kumuha ng iyong umagahan sa cafeterian, pero bago yun napagdesisyonan ko munang gumayak para deretso na lang ako sa klase ko mamaya. Nagpunta ako sa banyo dala ang towel ko na kinuha ko sa closet ko. And after thirty miutes, viola! I'm finish.

Nagpapasalamat na lamang rin ako sapagkat lahat ng gamit na kailangan ko ay nandito na, at kung tutuusin  ay sobra sobra pa nga. Hindi ko na kailangang maghirap para lamang sa sabon, at tiyak na napakamahal ng sabon na narito ngayon base na lamang sa amoy nito, para ngang naginhawaan na rin maski ang buhok ko dahil nakaramdam na ito ng isang mamahaling shampoo. Nakakatawa na ito ang ilan sa mga bagay na kailanma'y hindi sumagi sa isip ko na mangyayari sa buhay ko.

Kinuha ko ang uniform ko mula sa closet at agad itong isinuot. Kinuha ko rin ang boots na itim doon dahil yun ang required daw na suotin pero pwede pa rin naman daw ang black shoes kaso para sa akin ito ang bagay sa uniform namin. As I look at myself in front of the mirror, I do look like a cool bad girl kaya naman napailing na lamang ako.

Bago lumabas ay kinuha ko yung bag ko at hindi ko rin nakalimutang magsuklay, sinigurado ko ring maayos ang pagkaksuot ko ng uniporme maski ang pagkaka-kabit ng aking necktie. Napabuntong hininga ako ng makita ko na naman ang kabuuan ko sa salamin. Mabilis akong napailing at linisan na ang dorm ko para makapunta na sa cafeteria na kung saan alam kong kakaunti pa lamang ang mga estudyante.

Nagorder na lang ako ng isang spicy noodles. Di bale ang allowance ko ay sagot ng mga namumuno ng White Castle, ngunit walang ispesipikong sinabi kung sino nga ba ang mismong nagpapa-aral sa akin at kahapon rin bago ako matulog ay ibinigay sa akin ng headmaster ng personal ang ilang mga papeles na kakailangan ko kasama na ang ilang mga bilin sa akin dito sa loob ng akademya. Sinadya niya pa talaga ako sa dorm ko kaya laki ang pagpapasalamat ko sa kaniya.

Kumakain ako ng biglang nahagip ng tingin ko si Aimee na papasok pa lang. Inilibot niya ang paningin niya kaya itinaas ko ang kanang kamay ko at bahagya siyang kinawayan. Napangiti naman siya ng makita niya ako. Habang papunta siya sa pwesto ko ay nakita ko kung paano siya bungguin ng isang babae. Mayroon siyang mahabang itim na buhok at halatang mataray ito base pa lang sa mukha niya.

"Sorry po" napataas ang kilay ko ng makita ko kung paano siya nagsorry. Pero mas naasar ako ng makita ko kung paano siya itinulak ng babae at imbes na tulungan siya ng mga nandito ay mas nilait pa nila. What the hell is interesting in this academy? They were just all brats who think highly of themeselves.


"Know what? You're a bitch. You're with the royalties yesterday tsk! A girl like you ay isang hamak na hampas lupa lamang. Nakapasok ka lang naman dito dahil sa ina mo na inasawa ang headmastsr hindi ba?" nangaasar na sabi niya. Nakita kong hindi lumaban si Aimee at napayuko na lang.

Fantasy: The Legendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें