Chapter 11

17.1K 525 82
                                    

I'm bringing this back here in watty. 

*****

Chapter 11: Why so fast?

*********

Shamira Reign Warl

"Seriously?" isang tango lang ang isinagot ni Anya sa akin.

"Yep" popping the letter 'p'. "I am pretty sure na ang galing ng gumawa niyan" sabi ni Rain. Habang tinitignan ang reflection ko mula sa isang body length mirror na kung saan siya nakaharap ngayon.

"O baka naman pinagawa" seryosong sabi ni Anya na larang may ibang pinapahiwatig na ikananoot ng noo ko. What does she mean by that?

Maya maya ay may kumatok ulit na pinagbuksan ni Aimee dahil mas malapit siya sa pintuan. Nagpakilala ang apat na dumating na mag aayos daw sa aming apat. Inabot ng halos thirty minutes ang pag-aayos sa amin.

Bago niya ako inumpisang ayusan sinabi kong light make up lang ang gawin niya dahil ayoko ng makapal at buti ay yun nga ang ginawa niya. Matapos ay nilagyan niya ako ng eyeliner sa mata at di ko maiwasang mapaluha dahil hindi ako sanay.

"Kailangan pa po bang pati ang buhok?" kinakabahang tanong ko na ikinatango naman niya.

"Any problem Shamira?" tanong ni Anya sa akin habang nakapikit siguro ay narinig niya ang sinabi ko dahil siya ang nasa pinakamalapit sa pwesto ko ngayon.

"Ayaw niya po kasing ipagalaw ang buhok niya" sabi naman ng nagaayos sa akin. Matapos ilagay ang make up sa mata niya ay minulat niya yun at tumingin sa akin habang nakataas ang kilay.

"Pwede po bang yung tayong dalawa lang?" mahinang bulong ko na ikinatango naman niya. Ngumiti siya at sinabing wala daw problema. Hinawakan niya ako at maya maya ay nasa isang silid nanaman kami.

"Teleportation" sabi ko ng pinaupo niya na ikinatango naman niya. Nang ginalaw niya ang buhok ko ay nakita ko ang pagtataka niya.

"Nakawig ako" tipid na sabi ko at hindi makapaniwalang makatingin siya sa akin. "Yeah, kaya ayokong pinapagalaw ang buhok ko" kagat labi kong sabi.

"Pwede bang makita ang buhok mo?" tanong niya. Mabilis na inalis ko ang mga clip na ikinabit ko para maalis ko ang wig. Doon bumagsak ang tunay na buhok ko.

Naisip kong magwig dahil parang lumalala na talaga ang buhok ko. Kapag bago ako matulog ay napapansin kong para siyang may dyamante dahil kimikinang siya. Ang kulay ng buhok ko ay naging tatlo, itim na hinaluan ng abong kulay at red.

"Hija, kakaiba ang buhok mo" sabi niya sa akin sa habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Pwede po bang gawan niyo ng paraan? Yung tipong hindi nila mapapansin na yan ang natural na buhok ko ?"

"No problem, ako ng bahala" paga-assure niya sa akin na sinuklian ko ng isang matamis na ngiti.

Medyo natagalan rin ngsaglit ang pag aayos ng buhok ko, nahurapan soiya dahil sa kulot ng buhok ko sa dulo. Bago kami bumalik sa silid na pinaggalingan namin kanina ay nagpasalamat ako sa ginawa niya at sinabi ko rin na kung maari ay sekreto lang namin dalawa yun .

"Wow, ang ganda mo" agad na lumapit sa akin si Aimee at hinawakan pa ng mahigpit ang magkabilang balikat ko. Hinawakan niya ang buhok ko na nasa gilid ng mukha ko at nakita kong kuminang ito ng haplusin niya na ikinatuwa niya.

"You look like a fire goddess" puna ni Anya habang iniikutan ako. Pero kung tutuusin mas mukha silang mga dyosa, bagay na bagay sa kanila lalo na si Anya na litaw na litaw ang kaputian niya dahil sa gown niya.

Fantasy: The LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon