Chapter 6

22.1K 758 36
                                    


Chapter 6

Town girl vs. Fire prince

********

Shamira Reign Warl

Nagumpisa na ang labanan at ngayon ay nasa pang-anim na pair na ang kasalukuyang naglalaban ngayon. They were trained well. They know how to handle their powers and they can also summon their guardian well. What a strong stamina they have. Mukhang maraming oras at pagod nga talaga ang ibinuhos nila para lamang sa page ensayo.

Natapos naman ang pang anim na pares at hanggang sa maging sampu na ang natapos. Pero hindi tinawag ang pangalan ko kaya napakibit balikat ako. "And Zeke too" halos pabulong na sabi ni Rain sa tabi ko pero sapat na para marinig ko.

Parang nagkakaroon na ako ng kutob sa kung anong mangyayari pero mayroong parte pa rin sa utak ko na nagdadasal na sana nga hindi maging tama ang kutob ko.

"And here comes the eleventh pair, this must be exciting!" mababakas ang galak ng announcer base pa lamang sa pananalita nito, "The prince of the fire castle, Zeke versus the girl from town Shamira Warl" paga-announce ng may hawak ng mike.

Nakita kong kinakabahang napalingon sila sa akin na ipinagwalang bahala ko na lang. Ipinakita ko na hindi big deal para sa akin ang laban, at pilit na ipinapasok ko sa isip ko na checking lamang ito para sa estudyante ngunit mukhang traydor yata ang utak ko dahil kahit anong mangyari, checking man ito o ano mang uri ng pagsusulit sa huli, may labanan pa ring dapat maganap.

I look at Zeke and only to find out that he's also looking at me. Mukhang tinatansiya niya ang magiging reaksiyon ko. Is he concerned?
So, I decided to stand up at ganun din siya. Sabay kaming umakyat sa stage at pagkatungtung namin doon ay kasabay rin nun ang pagactivate ng barrier.

"Start!" wala ng patumpik-tumpik pang naganap at ibinigay na ang agad ang hudyat na dapat na kaming magumpisa pero nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero isa lang ang sinisigaw ng utak ko ngayon. Kailangang maging alerto.

"Come on" mahinang bulong ko ng wala pa ring gumagalaw sa amin sa amin. Nagco-concentrate siya at alam ko yun. May binabalak siya.

I can't do the first move, it should be him. He should initiate the attack and I will counter.

Wala sa sariling pumikit ako at pinakiramdaman ko ang paligid ko. Nagpapalabas ako ng aura para matukoy ang paligid ko. Pagmulat ko ay ang kasabay rin ng pagmulat ng mata niya. This will be a tough fight.

Umulan ng fire ball sa dereksiyon ko na iniwasan ko lang at pagkatapos ng pagiwas ko ang biglang pagbulusok ng isang maliit na energy ball sa dereksiyon niya na naiwasan rin naman niya.

Nakatitig lang siya sa akin na walang emosyon. Napabuntong hininga ako ay pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nagkaroon ng apoy na mismong pinapalibutan ako kaya mabilis akong napailing at nagumpisa ng tumagaktak ang pawis mula sa aking noo. Lalo ng biglang lumaki ito at lagpas na sa akin. Bigla nanamang umulan ng fire ball sa kinaroroonan ko.

Nice move but I think kulang pa ang atake niya. Nagpatama ako ng isang invisible energy ball at nakita ko kung paano siya tumalsik pero agad din naman niyang inilabas ang pakpak niya kaya hindi siya tumama sa kahit saan. Kulay red ang pakpak niya na may halos blue habang sa gilid gilid ng pakpak niya ay itim. Unti unti na ring naalis ang usok mula sa napakalaking apoy na ginawa niya.

I cannnot do many fancy moves or any kind of flashy attack like him because of the kind of power I have. And actually, this will be my first time fighting with someone so powerful.

Hindi siya makapaniwalang nakatingin siya sa akin. Naglakad lang ako palapit sa kaniya. Patago ang paglabas ko ng kapangyarihan dahil ito ang mas nakasanayan ko. Napatingin ako sa ere na kung saan nagsilabasan ng nga pana na gawa sa apoy at lahat yun ay patama na papunta sa dereksiyon ko kaya sapiliting napatakbo ako ng wala sa oras.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now