Chapter 8

17.7K 665 15
                                    

Chapter 8:

The Secret

******

Shamira Reign Warl

"Tell me everything about this freakin' power of mine" may halong diin sa bawat mga salitang sinabi ko at nakita kong mas lalo siyang napakunot noo sa sinabi ko na tila ba naguguluhan sa biglaang pagpunta ko rito.

"What are you talking about?" sumandal siya sa swivel chair na inuupuan niya ngayon habang pinapaikot sa mga kamay niya ang ballpen na kulay black. Huminga muna ako ng malalim at mariing napapikit bago nagsalita.

"About my power, sinabi ko sayo noong pumasok ako dito na isa akong nullifier right?" tumango naman siya sa sinabi ko at para bang nakuha na niya kung anong ibig kong sabihin.

"Anong alam mo tungkol sa kapangyarihan ko?" sa sinabi ko ay mukhang nagets naman niya at naging seryoso na ang mukha niya. Ininom muna niya ang tsaang nasa gilid ng mesa niya bago ako sinagot. 

"Ako rin, nagtataka kung talaga bang nullifier ka," seryosong saad niya at muling ibinalik ang tasa mula sa kinalalagyan nito kanina bago muling ibinalik ang atensiyon sa akin, "But when I saw you, fighting with Zeke, it proved me that you were really a nullifier and as what was written in our history is true, that power of yours died at the same day King Samiro died. Your identity Shamira for me is still a mistery lalo na noong nalaman ko ang kapangyarihan mo. Kaya tatanungin kita, paano ka nagkaroon ng ganiyang kapangyarihan?"

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya at hindi ko mapigilang mapaiwas ng tingin dahil mukhang kagaya ko rin siya naghahanap ng sagot sa kaniyang mga katanungan. Nang mapansin siguro niyang wala na akong balak magsalita ay napa buntong hininga na lamang ito.

"Tell me, you can trust me" malumanay na sabi niya. "Whatever your secret is, I promise I'll keep it, and I swear with my life"

Dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang nakaraan na akala ko'y naibaon ko na sa limot. This power is really a curse for me! Bakit sa dinadami pa ng kapangyarihan ay ito ang ibinigay sa akin dahil kung tutuusin, sakit lamang ang kaya nitong ibigay sa mga tao.

"Tignan mo po Ina, ginawa kong pala si Chuchi" nakangiting sabi ko habang umiiling-iling lang si Ina noon sa ginawa ko habang ako ay tuwang-tuwa. At my early age, I can cast a spell already. Pati ang pag-cast ng mga portals ay kaya ko na rin. My parents called me a prodigy.

"Ang galing naman ng anak ko, hayaan mo sa susunod pagnakapag-ipon ako ng pera. Bibilhan kita ng spell book" sabi ni Ama habang pinupunasan ang pawis niya dahil galing siya sa pagsisibak ng kahoy para sa panggatong namin. Bahagya akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi na po kailangan, kung tutuusin nga ay mas mabuti pa po na ipambili na lang po ninyo ng mga kakailanganin niyo" nakangiting sabi ko. Niyakap lang naman ako ni Ina. 

"Sana hindi magbago ang kabaitan mo anak," sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata habang ako ay napapikit ng masuyo nitong hinaplos ang aking buhok.

After many years, mas naging bihasa ako. Lagi akong nasa gubat kasama si Janella para maisagawa ko ng maayos ang mga spell na ginagawa ko. Janella's with me eversince that's why  I am confident that she already know me.

Kaya kong magcast ng mga spell na hindi ko alam kung paano ko nalaman. Para bang mayroong nagsasalita sa aking tenga na bumubulong ng mga salitang dapat kong sabihin at mga bagay na dapat kong gawin. At kailanman ay hindi ko ito kinatakutan dahil pakiramdam ko na wala itong balak na gawan ako ng masama. But as years passed, namatay na rin ang parents ko. 

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now