Chapter 38

7K 243 32
                                    

Chapter 38
Grandfather Revelation



The servants assist me to a room. As I enter, the first thing that caught my attention is the old man lying on the bed. Biglang nagtaasan ang aking mga balahibo ng tuluyan na akong makapasok sa sili at mukhang naramdaman nga yata nito ang aking presensiya. Kaya naman pagkapasok na pagkapasok ko ay nanghihinang tinignan niya ako, pero kahit ganun ay kita ko kung paano siya ngumiti. Isang tunay na ngiti kahit na nanghihina na dahil sa katandaan.

Kahit na naguguluhan ay naglakad ako palapit sa kaniya. He gestured me to come close so, I did. Naupo ako sa tabi niya paharap sa kaniya, hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko kung paano lumabas ang mga butil ng luha sa mula sa kaniyang mga mata.

"Ang aking apo, ang aming prinsesa ay nandito na," halos napatanga ako sa sinabi niya. All I did was to stare at him with disbelief written all over my face.

"I think you mistake my identity," pagkuwa'y sabi ko sa kaniya na may kasama pang iling. "Kailanman ay hindi ako magiging isang prinsesa."

"My poor princess," paguumpisa niya at ibinuka ang palad ko. "No one has ever told your importance in this world," nanghihinang sabi nito dahilan upang mapakunot ang aking noo.

Maya maya ay biglang may lumabas na parang ink at habang tumatagal ay may nafo form na hindi ko alam. Para akong natuod at hindi kaagad nakagalaw dahil sa kaniyang ginawa.

"What the?!"

Hanggang sa para itong naging isang tattoo. May isang punong nabuo dito at umabot ang ugat nito hanggang sa pulso ko at wala sa sariling napalingon ako sa salamin na parang sinadyang inilagay doon para makita ko ang sarili ko.

"No!"

Right now, I am looking to a girl same as my look, wearing the same dress I am wearing right now, and have the same hair like I have. Ang pinagkaiba lang ay mas tumingkad ang kulay ng buhok ko at kaunti na lang ay magiging kulay ginto na ito. Habang ang mukha ng nasa repleksiyon ko ay may kulay itim na nakaguhit sa gilid ng pisngi ko. And seems like I have a heavy eyeliner.

"No! This is not me!" Napasigaw ako at napatayo. "You're lying!" Dinuro ko siya at naguunahang bumaba ang mga luha sa mata ko.

Nandito ako ngayon sa palasyo ng mga Black Wizard at hindi ako tanga para hindi malaman kung nasaan ako ngayon. Sa repleksiyon ko ay para akong isang babaeng ipinanganak sa kadiliman, yes her skin is like white as paper but the way she stares and just by looking at her, para siyang itinakda para maging reyna ng kasamaan. Yes, siguro ang black and white wizard ay naging isa na at nagkasundo na. Pero hindi siya maaaring pagsamahin dahil sa naiiba ang tradisyon ng dalawang magkaibang pangkat.

Lahat ng ala-ala mula sa aking pagkabata ay parang nanumbalik sa isang iglap. Hindi makapaniwala sa nangyayari, at mas lalong hindi makapaniwala sa uri ng pagkataong meron ako. I came from the town and I am Shamira Reign Warl, a poor girl who's struggling to survive in order to live. This is who I am!

Pero hindi iyon ang nakikita ko habang paunti-unti kong pinag-aaralan ang repleksiyon na nakikita ko mismo sa salamin sa mga oras na ito. Hindi ako ito!

Nakita ko ang pagsilip ng butil ng luha sa matanda na nakatingin sa akin ngayon at tila nagsusumamo.

"Hija, apo ko," nagmamakaawang sambit niya at hinawakan ang kamay ko. "Sana yakapin mo ang kapalaran mo, tulungan mo kami, tulungan mo ang mga tao sa lugar na tunay na pinagmulan mo. Ikaw na lang ang pag-asa namin."

Nanatili akong nakatingin sa kaniyang mukha, naghahangad ng pag-asa. "Why me? Naguguluhan pa ako," mahinang sabi ko.

"You are the heiress, Shamira Catastropheia Mortagou, nawala na ang ama mo at ayokong pati ikaw ay mawala rin sa amin," and there, I froze. He said it and it hits me.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now