Chapter 9

18.9K 641 23
                                    


Chapter 9: Dinner together

‡‡‡

“These elites don’t have any idea how lucky they are compared to those whose living in town dahil hindi nila naranasan ang hirap, at diskriminasyon”

*****
 
Shamira Reign Warl

"Saan ka galing kanina? Tumakbo ka na lang bigla ah" sabi ni Rain habang iniinom ang strawberry juice na inorder niya kanina. Umiling lang ako at nagkibit balikat bago ako naglakad palapit kay Aimee at nanghingi ng chips na kaniyang kinakain at wala sa sarili ibinato ko ito sa ere hanggang sa lumanding ito deretso sa aking bibig. Saglit silang natahimik dahil sa aking ginawa na para bang isang akong weirdo sa kanilang harapan.

"Nye? Ano yan bagong paraan ng pagkain?" naiiling na tanong ni Jiro ng makita niya ang ginawa ko tapos inagaw hinawakan niya yung kamay ni Anya na nay hawak na kapiraso ng mansanas at kinain niya kaya naman nakatikim siya ng isang malutong na sapak. "Aray ko! Ang damot mo ah!"

"Wag ka ngang patay gutom" mataray na sabi ni Anya tsaka ulit kumuha ng kapiraso ng mansanas at kinain yun.

"Ako naman naghiwa niyan ah"

"Wag kang ngumuso, hindi bagay sayo" balewalang sagot ni Anya sa kaniya.

"Zeke penge na nga lang ako ng sayo" naiinis na baling ni Jiro kay Zeke pero inilayo lang ni Zeke ang kinakain niya at inubos ang dalawang natitirang chips kaya agad naman siyang nanlumo. Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan nila. I never thought na may ganitong side rin pala ang mga kagaya nila.

"Here" pag-abot ko sa kaniya ng pagkain ko na kalahati pa lang ang nuubos kaya kinuha naman niya. Inalok naman ni Aimee ulit yung pagkain niyang popcorn na caramel flavor kaya nanguha na naman ako at ibinato sa ere at ng pababa na ay agad kong sinalo gamit ang bibig ko. I am used to eat a bite-size foods in this way before, when I am still with Janella.

"Paano ba gawin yan?" napataas ako ng kilay sa tanong ni Sean at ginawa rin yung ginawa ko kaso bumagsak lang yun sa may ilong niya. Inasar naman siya ni Rain habang kami ay natatawa na lang.

"Sige nga gawin niyo! Makatawa kayo wagas, lalo ka na" naiinis na binalingan niya si Rain na tawang tawa na para bang wala ng bukas.

Pero napatingin kaming lahat kay Zeke ng tumayo siya at lumapit kay Aimee saka siya nanguha ng popcorn nito at ginaya ang ginawa ko na kung saan ibinato niya sa ere ang piraso ng pop corn at nasalo naman ito ng bibig niya. Pagkatapos ay tumingin si Zeke kay Sean na parang sinasabing 'Kaya-ko-ikaw-hindi look' kaya nagkaroon na naman ng asaran, habang si Sean ay nanlulumo at nanahimik na lamang sa isang gilid. Naiiling na lang ako ng nagasaran na naman sila ni Rain.

"Nga pala, Shamira" napatingin ako kay Sean ng tawagin niya ako. "Next week ay pupunta kami sa amin, sa may water castle. May celebration na magaganap para sa festival ng Water Dragon, taon taon rin siyang ginaganap and I know Aimee know about this," sabi niya saka tumingin pa kay Aimee na kung saan tumango naman ito.

"So?" tanong ko sa kaniya na tinatanong kung anong punto ang gusto nitong palabasin.

"Well, you can come with us if you want, at advantage mo rin ito para maexplore mo ang Water Castle kahit papaano," sabi nito at kita ko rin ang pagsang-ayon ng iba dito.

"Yeah, it's true at hinding-hindi ka magsisisi, we'll tour you around at sobrang saya pa, plus masarap rin yung pagkain nila doon lalo na yung luto ni Chef Poly" dagdag ni Rain na .

"Sounds fun, salamat sa pag-imbita," pormal na sabi ko kay Sean at binigyan ito ng ngiti, "Ikaw Aimee?" pagbaling ko sa kaniya na umiinom ng juice niya. Tumango naman siya at sinabing sasama siya.

Fantasy: The LegendWhere stories live. Discover now