; salot ;

140 8 0
                                    

"Salot ng lipunan!" bulyaw ng matandang babaeng may mahigpit na kapit sa rosaryo nito. Nakatutok ang kanyang kawayang baston sa nagdurusang lalaki sa gilid ng kalsada. May nakalatag na manipis na banig sa ilalim nito, habang may kinakalawang na lata sa tabi upang panghingi ng donasyon bilang panggamot, "Ba't 'di nalang kayo mamatay? Sumuko ka nalang kasi sa pulisya, para magamot ka pa!"

"Walang gamot sa sakit ko," madiin na wika ng lalaki habang may suot na masaklap na ngiti. Suot-suot ng ngiting ito ang lahat ng paghihirap na naranasan sa buhay, paniguradong mga paghihirap na 'di pa naranasan ng matanda kahit pa ikumpara ang mataas na edad nito sa binatilyo, "Simula palang noong makuha ko ang unang hininga ko sa mundong 'to, nakatadhana na kaming tanggapin na ganito na kami."

"Sinungaling!" pamimilit ng matanda, "Alam kong nagsisinungaling ka! Sumuko ka na kasi!"

"Walang gamot ang sakit ko--natin!" tumaas ang boses ng lalaki. Noong maibuka nito ng malaki ang bunganga, aksidenteng nakawala ang itim na usok ng kaluluwa nito, "Lahat tayo nagkakasala! Tanggapin nyong 'di tayo perpekto!"

Iisang PapelМесто, где живут истории. Откройте их для себя