; walong mata ;

64 7 5
                                    

May Walong Mata
lilyresh

--

At tuwing sasapit ang gabi, nakapako ang walong mga mata ng halimaw sa kanya.
--


"Maglinis ka nga ng kwarto mo, Alex!" sinigawan siya ng kanyang inang kasalukuyang naghihiwa ng patatas sa mesa pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kusina, "Ilang buwan ka nang 'di naglilinis ng kwarto mo!"

Binuksan niya ang refrigerator para kunin ang pitsel at nagsalok ng tubig sa babasaging basong hawak, "Bukas na."

"Bukas na naman? Papaabutin mo na naman hanggang sa susunod na buwan?"

Hindi sumagot si Alex.

Bumuntong hininga ang kanyang ina, "'Nak, alam mo namang minsan lang ako makauwi dahil sa trabaho ko sa Maynila. Kahit papa'no, gusto kong makitang maayos ang lagay niyo ng tatay mo. At saka, paniguradong napakakapal na ng alikabok sa kwarto mo. Gusto mo bang magkasakit?"

Katahimikan ang natanggap ng matandang ina. Nanatili ang pangangasam na titig nito sa papalayong anyo ng anak paakyat sa hagdan, patungo sa madilim na kwarto nito kung saan nagkalat ang samu't-saring pinagkainang pinggan at basura.

Noong marinig ang malakas na pagsara ng pinto, muling bumuntong hininga ang ina at nagpatuloy sa paghihiwa ng niluluto. Naghahanda na siya ng pagkaing ilalagay sa tray upang iwan sa labas ng pintuan ng kanyang anak, alam na 'di siya nito pagbubuksan ng pinto kahit na gaano pa kalakas ang katok niya rito.

Kaya pagsapit ng hapunan, tatlong beses kumatok ang ina sa pinto kasabay ng pagpatong ng tray ng pagkain sa sahig. Alam nitong paglipas lamang ng ilang minuto ay bubukas ang pinto at lilitaw ang kamay ng kanyang anak upang kunin ang pagkain.

"'Nak, aalis na ako. Ngayong gabi na ako aalis kasi kailangan ako bukas ng madaling araw. Sayang nga kasi hindi ko maaabutan ang papa mo, alam mo naman 'yon—laging gabi na kung umuwi. Kung may kailangan ka man, tawagan mo nalang ako ah?" paalala niya sa kanyang anak, umaasang darating ang panahon na magiging bukas ang loob ni Alex sa kanya.

Mula sa madilim na kwarto, nakatutok ang tingin ni Alex sa computer nito. Ang liwanag na nagmumula sa computer screen lamang ang nagbibigay linaw sa paligid kung saan nagkalat ang mga labahan at iba pang gamit nito. Noong marinig ang pagsara ng pinto mula sa labas, dali-dali siyang tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto. Agad siyang binati ng amoy ng pagkain sa tray.

Sinigang, ang paborito niyang ulam. Kilalang-kilala siya ng kanyang ina.

Sinira niya ang pinto at agad kumain sa harap ng computer. Pagkatapos ay ipinatong niya ang pinagkainan sa kabilang mesa kasama ng iba pang nabubulok na pagkain, ilang araw nang naka-tambak sa kanyang silid. Nadapuan na ng iba't-ibang insekto ang mga ito, na siyang ikinatuwa ng gagamba sa pader ng kwarto ni Alex.

Nagpipista ang gagambang si Bino. Dalawang insekto ang na-trap sa sapot niya. Isang langaw na napakaingay, isang lamok na umiiyak. Natatakot ang mga ito sa gagamba. Kinatatakutan si Bino ng mga insekto. Palibasa ayaw ng mga itong matunaw sa tiyan ng ibang nilalang. Wala namang nilalang na gustong mangyari 'yon sa kanila.

Kung tutuusin, mas gugustuhin pa ng lamok na mamatay sa palad ng isang natutulog na mortal.

"Ayoko pang mamatay. Ayoko pang mamatay," bulong na tangis ng lamok.

"Walang magagawa ang iyak mo, lamok. Manahimik ka nalang para naman makapag-concentrate ako sa pagtakas sa putanginang sapot na 'to," asar na sambit ng lalaking langaw, pilit na kumakawala sa sapot ng gagamba. Sinusubukan nitong ilagaspas ang pakpak, ngunit walang magawa dahil napinsala na ito.

Iisang PapelWhere stories live. Discover now