; ayos ;

106 7 2
                                    


"Ayos lang ako," pinilit niya ang ngiti, tanggap ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala naman siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Walang maidudulot na maganda ang pagrereklamo, mas lalo lang lalala ang nararamdamang pait. 

"Hindi ka ayos."

"Ayos lang ako."

"Alam kong masakit," madiin na sabi ng binatilyo, "Pero pakitiis na muna. Para rin 'to sayo, para humilom na ang sakit."

Isa-isa niyang tinanggal ang bawat piraso ng nabasag na bubog mula sa sistema ng dalaga, at binuong muli upang maibalik ang dating anyo ng puso nito. Hindi nagtagal ay tinanggal na rin niya ang bawat kutsilyong nakabaon sa likuran, kahit na gaano pa kalalim, natanggal niya pa rin. 


Iisang PapelWhere stories live. Discover now