; manlolokong mata ;

42 4 2
                                    



manlolokong mata
[ a poem by lilyresh ]

Ang pisikal na anyo na nakikita ko
ay ang tingin mo sa sarili mo.
Isang sumpa o biyaya
na pumipigil sa'kin magtiwala.

Kasabay kong pumasok ang mga diyos at diyosa,
hindi malaman kung totoo nga ba.
Sila nga ba'y tunay na magaganda,
O niloloko lang ang sarili nila?

Kasabay kong kumain ang mga baboy.
Puro taba ang kinakain, mga gulay ay tinataboy.
'Yung isa, isang butil lang ng kanin ang ang inilapat sa dila
Maliit na katawang pinapalaki, tapos sinusuka pa nila?

Kasabay ko mag-aral ang mga hayop sa zoo.
Karamihan ay matatalino, 'yung iba tinuringan na bobo.
Palibasa lahat naman ng matsing ay tuso,
habang 'yung iba hanggang kopya parang kwago.

Kaya noong sa salamin, ako ay tumingin.
wala nang repleksyong dumating.
Ang pisikal na anyo na nakikita ko
ay ang tingin ko sa sarili ko.

Palibhasa, pares ng mata lang naman ako.
Humuhusga sa mga tao.

.

Iisang PapelWhere stories live. Discover now