; kasiglahan ;

86 10 0
                                    


Pinagmasdan ko ang nakangiting labi niya. Nakahilata na siya sahig, umaagos ang dugo kung saan ko siya sinaksak ng limang beses. Tuloy lang ang agos ng dugo sa puntong namamantsahan na ang sapatos ko.

"Ba't masaya ka pa?"

Hindi sumagot ang bangkay. Sa puntong 'to, alam kong 'di pa siya patay. Hindi pa siya patay. Buhay pa siya. At hindi ko gusto 'yon.

Tumutubo ang iba't-ibang ligaw na damo sa paligid, berdeng-berde na nakapalibot sa kanya. Masyadong malusog ang paligid. Hindi siya pwedeng mamatay sa lugar na ganito. Hindi siya pwedeng mamatay sa lugar na masigla.

Dinala ko ang bangkay niya at itinambak sa likuran ng kotse. Nagmaneho ako hanggang sa makarating sa mataas na bangin. Habang buhat-buhat ng braso ko ang leeg at ilalim ng tuhod niya, nagdalawang isip ako sa gagawin ko.

Bumaba ang tingin ko sa bangin. Mapuno. Matulis na bato. Matulis na sanga. Kapag inihulog ko ang bangkay niya dito, mapuputol ang katawan niya sa maliliit na piraso at paniguradong sasabit ang laman-loob niya sa mga bangkay ng puno.

Magiging pataba siya ng lupa. Babalik ang katawan niya sa kalikasan. Hindi pwede.

Sa'kin lang siya. Wala siyang dapat na balikan.

Bumalik kami sa kotse. Itinambak ko siya sa likuran nito. Pag-uwi sa bahay, inihiga ko siya sa lababo. Kinuha ko ang kutsilyo at nagsimulang maghiwa. Pagkatapos ay pinakuluan ko na ang tubig. Inihalo ang malinis na laman. Naghalo ng iba pang mga sangkap.

Tinikman, "Matabang."

Hinaluan ng asin, "Tama lang."

Sa paraan na 'to, sa'kin lang siya. Kung ilalabas man siya ng katawan ko, itatago ko ito sa isang garapon at habang buhay na itatago. Walang makakalaam.

Iisang PapelWhere stories live. Discover now