; isda ;

89 7 0
                                    

  "Pwede ba akong maging isda?" umaasang tanong ng batang babae sa kanyang ama.

Tinagpo ng puyat na mga mata ng ama ang kanyang anak. Bakas sa itim na mata nito ang pagod sa sobrang paghahanap-buhay. Naranasan na ng mga mata nito ang kalupitan ng mundo.

"Ba't gusto mong maging isda?"

Ngumiti ang kanyang anak at inilapat sa salamin ang maliliit na palad, "Wala lang..."

"Anong 'wala'? 'Di mo naman sasabihin 'yun kung walang dahilan, Jessica."

"Eh kasi," simula nito, "Parang maganda ang buhay sa ilalim ng tubig. Lalangoy ka lang, tapos ang ganda pa ng tanawin. Marami ring parte ng karagatan ang hindi pa nararating ng tao. Gusto kong maranasan ang kagandahan ng dagat!"

Ngumiti nalang ang ama, nakatago sa itim na mga mata ang lahat ng iniisip. Mula sa patuloy na pag-imbak ng basura sa bawat anyong tubig hanggang sa pagdumi nito mula sa matinding polusyon mula sa mga pabrika.

"Pero kapag gano'n, 'di ka makakahinga sa tubig."

"Papa, nakakahinga sa tubig ang mga isda!"

'Pero 'di na sila hihinga kapag itim na ang tubig,' naisip ng ama, pero nanatiling nakatikom ang bibig.  

Iisang PapelWhere stories live. Discover now