; lasa ;

81 7 0
                                    

"Anong lasa ng birhen, pre?" natatawang tanong sa'kin ni Nio, may halong kapilyuhan ang bawat salita.

Ngumiti lang ako, "Masarap."

"'Masarap'? 'Yun lang ang isasagot mo sa'kin?" hindi makapaniwalang sambit nito, "Ilarawan mo kung gaano ka-'sarap'! Pareho naman tayong lalaki dito. Masikip ba? Mainit? Paano siya umungol? Nilabasan ba siya agad?"

Naguluhan ako sa pinagsasasabi ng kaibigan ko, "Ha?"

"Anong 'ha' ka d'yan!"

Napakamot ako ng batok, "Oo, umungol siya. Syempre nilabasan."

"Ohohohoho," napatawang demonyo si Nio, natutuwa sa patutunguhan ng usapan, "Ga'no karami?"

"Madami," sagot ko bago pinakita sa kanya ang pulang mantsa sa ilalim ng suot kong jacket, "Natalsikan nga ako eh."

"Pre, dugo 'yan."

Ngumiti ako.

"Alam ko."

-> 

Iisang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon