; gunam-gunam ;

47 4 3
                                    

Natatakot ako. Kanina pa kami sinusundan nung lalaking baliw. May topak daw 'yon sa utak sabi ng lola ko. Lagi niyang kausap ang sarili, nakatingala sa langit na parang nagdarasal at may kung anong nginangatngat sa kanyang daliring balot ng kalyo. Adik yata 'yon eh, laging may kung anong hinihithit. Mabuti nang iwasan nalang.

"Mahal, 'wag kang mag-alala. Nandito lang ako para sa'yo."

"Pero... pa'no kung saktan niya tayo?"

Isang buwan na kaming nagsasama ng boyfriend ko. Kahit na hindi legal, pinaglaban ko pa rin siya. Mahal ko eh. Ramdam ko naman na mahal niya din ako. Hindi niya nga magawang iwan ako kahit saan dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'kin.

Lumiko kami sa isang eskinita noong bigla akong naitulak sa pader. Tuloy-tuloy ang atake ng labi sa'king leeg. May ligaw na daliring humahaplos at naglalakbay sa maseselang bahagi.

"L-Layuan mo ako!"

Biglang may umatake sa kanya. Paulit-ulit siyang pinaulanan ng suntok. Nanggigigil ito sa sobrang galit. Nanlilisik ang mga mata. Pumulot siya ng malaking bitak ng bato at malakas na hinampas sa ulo niya. Tumagas ang matingkad na dugo.

Hindi ako sumigaw. Nakatitig lang ako sa mantsa sa sahig.

"Mag-iingat ka sa susunod, hija."

Kumaripas agad ako ng takbo. Bago pa man ako makalayo, narinig ko ang wala sa sariling bulong niya sa kalangitan. Hindi niya nginatngat ang kanyang daliri.

Sa halip, hinalikan niya ang makintab na ginto sa kanyang palasingsingan.

"Mahal, 'wag ka nang mag-alala. Wala na siya. Ligtas ka na." 

Iisang PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon