; trahedya ng oras ;

78 6 0
                                    


Trahedya ng Oras

a poem by: lilyresh


Tumutunog ang makinang orasan.
Hinahanap ang manlalakbay kung nasaan.
Sapagkat ang nakaraan at hinaharap ay kanyang pasan.
Mula sa imortal ito ay kanyang pinoprotektahan.

Tinalo ng imortal si Kamatayan.
Ito'y kanyang niloko at pinaglaruan.
Walang nakakaalam kung sa paanong paraan at kailan.
Tanging ang manlalakbay lamang ang may alam.

Ang hindi alam ng Tadhanang bumubuo,
Sa dalawang nilalang ay may namumuo. 
Handang maghintay ang imortal hanggang sa mundo'y mamatay,
Makatagpo lamang ang minamahal na manlalakbay.

Babalik sa nakaraan hanggang sa pagkakamali'y mapigtas.
Tutungong hinaharap upang sanlibutan ay maligtas. 
Ang manlalakbay ay preso ng oras,
Magunaw man ang mundo siya ay walang takas.

Nanatiling preso ang manlalakbay sa nakaraan,
Habang ang imortal ay unti-unting nalilipasan.
Hindi na nakayanan at hinalikan ng imortal itong si Kamatayan.

Ang manlalakbay sa hinaharap

puntod nalang ang nadatnan.

Iisang PapelWhere stories live. Discover now