Chapter 7:How to be you po?

121 9 8
                                    

Alexa's POV

Papasok pa lang ako ng gate nakita ko na ang mga babaeng may dalang mga Posters,cellphones para kumuha ng pictures ni Zenrick.Oy ! Wag kayo ganyan din ako.Minsan lang din naman May limitations kasi ako e.At tsaka school hours naman ngayon.Pwede ko namang titigan si Zenrick kung gugustuhin ko e magkatabi lang naman kami.

Pag may maraming mga babaeng nakapalagid sa labas ng gate Sympre,may darating na Zenrick Perez. Hudyat kasi ito na dumating na si Zenrick,nakita ko na din na pababa na sya sa kotse niya. Grabe ang Gwapo talaga.

How to be you po? baby Zenrick? HAHAHA

Nang malapit na ako sa gate,nakatingin lang ako kay zenrick at sa di inaasahan nakita nya akong nakatitig sa kanya.

Ngingitian ko sana sya.Kaso nung tinignan nya ako parang yung mga tingin nya ay nagsasabing hindi nya ako kilala ? Hindi man lang sya ngumiti. Tsk grabe Ouch ha !

Pumasok na lang agad ako sa school at pumunta muna sa tambayan namin.

Pagdating ko don sa Rooftop nakita ko na yung tatlo.Si Jayjay,anastasia at Genniel. Dito kasi kami tumatambay.

Pagkakita nila sa akin.Tinawag nila ako at tsaka nginitian. Ako hindi ko man lang magawang ngumiti sa kanila pabalik. Parang wala lang talaga ako sa mood ngayon.

"Anyare sayo best?" Tanong Ni Jayjay

"Wala naman" sagot ko

"Di nga?~ sa Itsura mong yan?" Si genniel.

"Wala nga sabi" Sabi ko sa kanila

"Spill it couz!kilala ka namin" Kilalang kilala talaga ako ng tatlong ito -_-

"Obvious ba ako masyado?" sabi ko tapos sabay-sabay silang tumango

"waaaaaa !! Nakakainis si Zenrick!!!"

"Bakit Anyare nga?"

"T_T ganito kasi yon...May pparty si Ate Erine kagabi at...." Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari kagabi sa party at yung nangyari ngayon.

"Magkapatid sila??!!" Gulat na sabi ni jayjay at Genniel.
Ako nga nagulat e.

Pero napansin ko itong anastasia parang di man lang na tinag. Lampake bes??

"hoy couz! Siguro alam mo nu? Tahimik ka lang jan e" sabi ko kay anastasia na parang walang pakialam sa sinabi ko tungkol don sa News ko.

"Duuuh~~It's so Obvious naman diba? PEREZ ! haller!" Maarte nyang sabi

"Gaga ! Bakit naman di mo sinabi agad nung una pa lang?!"

"Tssk. Malay ko ba totoo pala talaga yong hinala ko." sagot nya

"Totoo nga diba??"sabi ko

"Yeah,Yeah whatever" Sabi nya sabay irap

Nakuuuu~ Ito talaga oh sarap kutusan ng bente. Pssh

"Pero Anyways Best. Diba sinabi mo di ka pinansin ni Zenrick kanina?Kahit ngumiti man lang?" Tanong ni jayjay

"Oo e T_T hindi ko alam.Akala ko talaga close na kami e"

"Assume pa more!" Sabay sabi nilang tatlo.

"Tssk. Oo na ! Sorry naman nuh? Akala ko may Improvement e"

"Improvement your face!" Sabi ni Anstasia

"Hayysss!"

Nagkwentuhan pa kami don. Asaran,kulitan at kung ano-ano pa hanggang sa mag bell na at pumasok na kami sa kanya-kanyang Rooms namin.

Kami lang ni jayjay yung nagsabay kasi classmates naman kami.

Pagpasok namin sa room wala pa namang teacher.Buti naman at ayaw naming ma late.

Mga ilang minuto rin ng dumating ang teacher.Habang nag didiscuss si sir nakatulala lang ako,halatang hindi nakikinig. Mabait naman tung si sir,close kami nyan.Hahaha

Paminsan minsan pa simple kong nililingon si Zenrick. Sobrang Pogi nya talaga.

Paanong hindi ako maiinlove sa isang to?Gwapo,Matangkad,Matalino,
Kissable lips,Ang ganda ng mga mata,Yung ilong ang tangos,ang ganda ng kutis tinalbugan si Kris Aquino. Haha Sablay nga lang sa ugali.Bonus pa na Mayaman.

Pero Hindi ko naman pwedeng e judge si zenrick agad sa ugali nya.Malay mo mabait pala talaga to.Hindi naman kami close para malaman yung totoong ugaling mayroon sya.

"How to be you po?" Wala sa sarili kong sabi

"What?!" Sabi ni Zenrick. Ngayon ko lang na realize na nakapangalumbaba pala ako habang nakatitig kay zenrick.

"Wala.hehe" Sabi ko at Inirapan ako ni Zenrick ! May PMS ata to e. Haha

Umiwas na lang ako ng tingin baka kasi magalit na naman.
-
Nang matapos yung klase,
pumunta muna ako sa music room,gusto ko lang mapag-isa.Tahimik kasi sa music room.

Oy ! Wag kayong ano jan ha ! Hindi ako pumunta doon para lang kay Zenrick !

Pagpasok ko don wala si zenrick kaya pumunta agad ako sa harap at ng may nakita akong guitar kinuha ko ito at sinumulang tugtugin..

"Urgh !Bakit ba ang hirap nito"sabi ko. Kasi tinuruan na ako ni zenrick nito dati pero hindi ko pa rin ma gets.

"Madali lang naman yan" Nagulat ako kasi may biglang nagsalita galing sa likod ko. Pagkakita ko

O_O

"Zenrick" sambit ko. Di man lang sya nagsalit,sa halip ay lumapit sya sa akin at kinuha yung guitar.

"Di mo pa rin matandaan yung tinuro ko sayo?" tanong nya

Napakamot ako sa ulo ko "Ahehehe. Hindi e,ang hirap naman kasi" sabay pout ko

"Hahahaha" Hala anyare kay Zenrick?

"Yah ! Ba't ka tumatawa?"

"Your Pouting.Hahaha mukha kang Duck" Sabi nya ng natatawa.

"Tssk.. Oo na ako na mukhang bibe"

Tumigil naman sya sa pagtawa at sinimulang eh strum ang gitara.

Ang galing nya naman.

"Nice !" Sabi ko habang pumalakpak . Tinignan nya lang ako at ngumiti.

"Zenrick,how to be you?hehe"

"Haha.Kanina mo pa sinasabi yan ha"

"Kasi,ang Perfect mo e" Sabi ko.

"I'm not perfect" Mahinang sabi nya at lumingon sakin. Ang gwapo nya...

"Hehe.Oo nga naman,sabi nga nila nobody's Perfect" sabi ko

Tumango lang sya.

"Zenrick..Ba't ang moody mo?"

"Ha? Why?"

"Kasi e.Ngumingiti ka naman sakin.Pero kanina yung mga tingin mo parang di mo ko kilala e" sabi ko

"Ahh. Ayaw ko lang kasing mapalapit sayo." casual nyang sabi.

"Bakit?"

"Because I.....Hate you" sabi nya sabay lagay nung gitara sa lalagyan at bumaba ng stage.

Ano daw ? He Hates Me ? Ouch </3 parang pinipiga yung puso ko.

Ang straight to the point niya naman.

"Zenrick!" sabay hawak ko sa braso nya. Hindi ko alam kong ba't ko sya sinundan.

"Tssk.Your so annoying" sabay irap nya.

"S-sorry" sabi ko. Inalis nya yung kamay ko na nakahawak sa braso nya at umalis.

Sorry zenrick ha. Kung gusto kita at ayaw mo sakin.

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

Napakaiyakin ko talaga

Grabe Zenrick... Tanggap ko naman na ayaw mo sa akin e. At Wala akong pag-asa. Sympre Artista ka,Fangirl lang ako..

Finally Got HimWhere stories live. Discover now