Chapter 34: Bawal

67 5 8
                                    

Anastacia's POV

"Wetwew" sabi ng mga boys ng nakita kami except kay zenrick ha na wala man lang pake sa mga sexy body namin. Haha Nakatingin lang sya kay insan.. Sobrang possesive kasi ayan di tuloy na ipakita ni insan ang kanyang sexy body.. Hihi

"Oh? Best anong trip mo at naka short at tshirt ka lang ? Pffft" saad ni jayjay ng nakita nya yung suot ni insan

"Anong masama sa suot nya Jaycynth?" walang gana na pagkasabi ni zenrick.

"Ahh-ehh wala naman bro. Hihi" kinakabahan nyang sagot. Ayan kasi haha "Di kasi ako sanay alam mo na ? Pagmag bebeach naman kami nagsusuot sya ng two--Aray babe!!" daing nya ng binatukan ko sya. Loko-loko gusto pa atang ma highblood si zenrick

"Tssk. Ang ingay mo"

"Arooy~ Under si Girlfriend" Pagbibiro ni Denver. Kaya napatingin kaming Lahat sa kanya. Oh-oh "J-joke lang. Ano ba kayo.Hihi" dagdag nya. Bad timing denver

"Maligo na nga tayo guys!" Sabi ni insan para siguro maiwasan na hindi mapikon si zenrick.Kasi ramdam din namin na malapit na syang mapikon sa mga pinagsasabi ng mga kasama namin. Kaya nag si puntahan na sila sa beach.

Itong si jayjay di pa lumalakad kasalukuyan nyang hinihimas ang batok nya. Haha

"Babe lets go!" pag-aaya ko

"Aissh. Ang sakit kaya nang pagka batok mo.huhu" sabi nya tas may pa iyak-iyak effect pa. Jusmeo

"OA mo !"

"Ito naman! Your so KJ"

"Pfffft.Hahahaha" natatawa kong sabi. Kasi naman para syang bakla nung pagkasabi niya ng Your so Kj ..

"Tawa pa.Halikan kita jan eh"

"Hahah--Loko !" tapos binatukan ko ulit

"Aray ! Nakakarami ka na ha! Dalawang kiss na !"

"Asa ka !. Haha" tapos tumakbo na ako papunta sa beach

"Halika dito !!"

"Bleeeeh. Habulin mo ko~"

Tapos hinabol-habol nya ako. Hahaha

Ang saya sa feeling na Mahal nyo yung isat-isa no ? Yung walang problema..

Im so happy na naging kami ni jaycynth. Wala akong pinagsisihan sa tagal ng paghihintay ko na mahalin din nya ako..

Worth It

Alexa's POV

"Are you okey?" tanong ko kay zenrick kasi baka napikon sya don sa sinabi ni denver. Walanjo naman kasi tong si palaboy eh >,<

"Yeah" tapos tumingin sya sakin. "Magbihis ka na baby ko,para makapag swimming kana" saad nya tapos tumingin ulit sa dagat. Hindi pa kasi kami naligo umupo muna kami sa buhangin.

"H-ha? Okey naman tong suot ko.Pwede na akong mali--"

"Magbihis ka na ng two piece."

"Ano ka ba. Okey lang zenrick wag munang intindihin yung sinabi nila"

"Sorry. Kung ina-Under kita"

"H-hindi mo naman kailangang mag sorry.. Tsaka anong Under? Kahit kailan hindi mo ko ina-under baby ko."sabi ko sa kanya saka hinawakan yung kamay nya.

"Hindi ba ? Eh pinagbabawalan kita"

"Naiintindihan kita.Wag kang mag alala babawalan din kita. Haha" pagbibiro ko

ngumiti naman sya "Sure.Ano namang ipagbabawal mo sakin?"

Tumingin ako sa kanya.Sa mga mata nya.

"Pinagbabawalan kitang..." sabi ko sabay hawak at hinimas-himas ko pa ang baba ko "Bawak kang tumingin sa ibang babae. Dapat ako lang,selosa ako eh. Bawal mo din akong iwan masasaktan ako.Kahit hindi mo pa ako mahal ayos lang maghihintay ako.Bawal ang sumuko.Bawal ang secreto.Bawal mo kong kalimutan.Tsaka Bawal ka munang mag I love you too sakin kong hindi ka pa sure sa feelings mo sakin,wag kang mag-alala maghihintay ako sa I love you too mo baby ko :) Pwede ba yon? Kahit ang daming bawal? Ina Under na ba kita? hihi" mahabang pagbabawal ko kay zenrick.

"Kahit di mo sabihin..Pinagbabawal ko na rin yan sa sarili ko dati pa baby ko"sabi nya at ngumiti hinawakan nya yung pisngi ko "Kahit ano pang bawal jan basta ikaw magbabawal sakin susundin ko. Tandaan mo mahalaga ka sakin" dagdag nya. At unti-unti nagkakalapit ang mga mukha namin mga ilang inch na lang.

Mag kikiss ba kami?

"May tamang panahon baby ko"saad nya habang palapit ng palapit ang mga mukha namin

Mas lalong nagkakalapit ang mga labi namin. Ramdam ko yung hininga nya at ang bango nito .

Pumikit ako..Saka hinintay na dumampi ang labi ni zenrick sa labi ko..

"TOMBOY! ZENRICK ! LIGO NA TAYOOOO" Narinig kong sigaw ni Denver. Jusmeo Konti na lang talaga Palaboy papaslangin na kita >,< Konti nalang iihhh.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakangiti si zenrick.. Take note magkalapit pa din ang mga mukha namin . Feeling ko talaga namumula ako >\\\\< Kaya lumayo ako sa kanya kasi nakakahiya na baka isipin pa nya na gustong- gusto kong halikan nya ako.

"Tara swimming na tayo"sabi niya.

"A-ahh t-tara" nauutal na sabi ko >,<

Zenrick chuckles. Mas lalo akong namula sa ginawa nyang yon>\\\<

"let's go?" tapos hinawakan nya ang kamay ko.Holding hands kami papunta sa dagat. <3

Zenrick's POV

Aaminin kong napikon ako sa sinabi ng sandoval na yon.Hindi ko naman talagang intension na maging under si Alexa eh. Ayaw ko lang talagang may ibang lalaking makakita ng katawan nya at pagpantasyahan ito.

Possesive ? Yeah right ! Mahal ko eh.

"Pinagbabawalan kitang..Tumingin sa ibang babae. Dapat ako lang,selosa ako eh. Bawal mo din akong iwan masasaktan ako.Kahit hindi mo pa ako mahal ayos lang maghihintay ako.Bawal ang sumuko.Bawal ang secreto.Bawal mo kong kalimutan.Tsaka Bawal ka munang mag I love you too sakin kong hindi ka pa sure sa feelings ko sakin,wag kang mag-alala maghihintay ako sa I love you too mo baby ko :) Pwede ba yon? Kahit ang daming bawal? Ina Under na ba kita? hihi"

Bawal mo kong kalimutan.. Parang natawa ako sa bawal nyang yon. Natatawa ako kasi siya mismo binali ang bawal na yon.

Kinalimutan nya ako.

Pero hindi ko dapat sisihin yung sakit nya. Dapat kong sisihin ang sarili ko kasi ako ang dahilan kong bakit nag ka amnesia sya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. Ipinagdadasal ko lagi na sana makaalala na sya .Na sana maalala na nya Kami.. Lahat ng pinagsamahan namin.

"Sobrang na mimiss na kita..Ven-ven" nasabi ko na lang sarili ko.

"Baby ko..Sino si Ven-ven?"

"H-ha?" ngayon ko lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Akala ko kasi nag s-swimming pa siya.

"Ahh. Hehe N-nevermind. Tara kain na tayo?" pag-aaya niya.

Tumango lang ako sa kanya at tumayo na rin.

Alam kong sa mga oras na to iba na ang iniisip ni Alexa..

Iniisip nya kong sino si Ven-ven

Finally Got HimWhere stories live. Discover now