Chapter 8: Sorry

104 11 3
                                    

Someone's POV

"WHAT?! Bakit mo yun sinabi sa kanya?p!" sabi ng babaeng nasa harap ko. Nandito kami sa kwarto ko nag-uusap.

"I just did ! Wala na akong maisip, sadyang lumabas sa bibig ko !"pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Akala ko ba,gusto mong bumalik kayo sa dati?"

"Gusto ko,gustong gusto.Pero ang hirap pala ! Ang hirap na ako lang yung gumagawa ng paraan at sya hindi nya ako  na-aalala !" sabi ko !

"Ako nga hindi nya maalala eh. Diba nga ginagawa natin to para bumalik yung dati?"

"F*ck.This is all my fault ! Kung hindi ako nagmaneho nung araw na yon,walang aksidente na nangyari"

"Hindi mo yun kasalanan okey?. Ikaw na nga ang may sabi diba na ayaw mo syang madaliin" Sabi nya.

Oo ayaw ko syang madaliin.Naalala ko pa nung araw na sumakit ng sobra ang ulo nya at alam kong dahilan yun ng sakit nya.

Bakit ba kasi ang hirap ng sitwasyon namin.

Bakit ba kasi siya nagkaroon ng Amnesia.

Ginulo ko yung buhok ko.A Sign of frustation.

"You can do this okey. If you truly love her,gagawin mo lahat" sabi nya at umalis ng kwarto ko.

Kinuha ko muna yung album sa drawer at umupo sa kama ko.

Tinignan ko yung mga pictures namin. Ang saya namin dito. Napapangiti na lang ako nang maalala ko ang mga memories namin.

Flashback

"ven-ven ko !" sabi ko sa kanya at lumingon naman sya sakin at ngumiti.
Ang ganda talaga ng taong mahal ko.

"Seb ko!" sabi nya sabay takbo papalapit sakin.

I hug her tight. I love this girl so much.

"Happy Anniversarry!" Sabay naming sabi.

"I love you baby ko" sabi ko sa kanya

"I love you too baby ko" ang sarap pakinggan nang I love You nya~

Parang sinasabi talaga nito na akin lang sya.

End of flashback

"Kung sana na aalala mo pa ako Ven-ven" Sabi ko at sinarado na yung album.

Alexa's POV

Ang sakit pala talaga na pinapamukha na sayo ng mahal mo na Ayaw nya sayo.

Because...I hate you

Waaaaaaa. Bakit Hate ako ni Zenrick? Siguro baka dahil don sa nangyari dati na natapunan ko sya nung cokefloat. Pero ang tagal na kaya nun T_T

Duuuh~ Whatever it is di pa rin ako susuko sayo Zenrick. Para yun lang ? Tsss

Papunta na kami ni Jayjay sa canteen ng mapansin ko na may mga matang nakatingin saamin or Sa akin?

"best ba't ganyan sila makatingin satin?"

"Ewan ko best,baka na po-pogian sakin" pagmamayabang nya

"Sus.Hangin mo,pero di nga iba yung mga tingin nila sakin.Lalo na yang mga babae jan" sabi ko at tinignan ko yung isang babae na ang sama ng tingin sakin at inirapan pa ako. Aba !!! tssk

"Hayaan mo na nga sila.Tara pasok na tayo sa canteen" sabi nya at nag order na kami ng lunch at naghanap ng table.
-

Bakit kaya ganun na lang sila makatingin sakin.

"Best kakainin mo ba yang pagkain mo? O kakainin ko ?" sabi ni jayjay.

"Tsk.Takaw talaga"

"Di ah! Eh kasi ikaw nakatunganga lang jan e"

"Best...Panget ba ako?" tanong ko sa kanya

"Pfffft. Haha tinatanong pa ba yan??" Pabiro nya sabi. Buset din e :3

"-___-"

"Hahahaha" tumawa pa

"Oh di sige na! Ako na panget.Mabulunan ka sana"sabay irap ko.

"Oyy haha best joke lang naman.Ikaw talaga ba't mo natanong yan?"

"Ehh..Kasi,ba't hindi ako magustuhan ni Zenrick?"

"Zenrick na naman? Alam mo best maganda ka naman,at alam mo yan ! Pero wala naman sa Itsura yan e para magustuhan ka ni zenrick! Bakit ikaw,dahil lang ba sa itsura niya kaya ka nagkagusto sa kanya?" sabi nya.

Hindi naman ako makasagot sa tanong nya. Dahil lang ba sa Itsura nya kaya ako nagka gusto kay zenrick ? Gwapo naman talaga sya. Pero iba e... Iba yung nararamdaman ko pagnakikita ko sya. Feeling ko matagal na kaming magkakilala. Na matagal ko na syang mahal. Basta di ko maipaliwanag.

"Ewan ko best" Yon na lang ang tanging na isagot ko sa kanya
-
Naglalakad ako sa hallway at pauwi na ng nakasalubong ko si Zenrick.
Yumuko ako kasi nahihiya ako sa kanya . Diba nga ayaw nya sa akin?

Lakad...

lakad...

lakad...

"Wait.." Hindi pa man ako nakakalayo ay may humawak na sa braso ko. At alam ko,kahit hindi man ako lumingon ay si Zenrick to.

Nilingon ko siya,kahit nahihiya pa ako.

"A-ano yon?" tanong ko tapos yumuko.

"Ahhh.. About what happened yesterday..."sabi ni zenrick,kaya napa angat ang tingin ko sa kanya "Sorry.." Dagdag nya

"Ano k-kaba. Haha You hate me,yun lang naman yon e. No hard feelings" sabi ko ng may halong kaunting tawa pero sa totoo lang parang nanghihina ako.

"Hindi ka galit?" tanong nya

"Nope. Akala ko lang kasi magkaibigan na tayo. haha" sabi ko at ngumiti

"Alexa ..Mas maganda siguro kong.....Wag na tayong mag pansinan" Ouch </3

"B-bakit zenrick? Naiinis ka ba sakin?" tanong ko sa kanya.

"No ! I mean. Para rin sayo to. Alam mo bang may nag picture sa atin nung mga araw na mag kasama tayo sa music room?"

"H-hindi ko alam. E practice lang naman yon"

"I know. Kanina lang kumalat ang picture nating dalawa,at kung ano-anong issue na ang lumalabas"

"Sino naman daw ang kumukuha ng pictures?"

"Hindi pa namin alam.Ayaw kong magkaroon ka ng bashers ng dahil sakin"

"H-ha.Naku~ Ano ka ba,haha O-okey lang no" sabi ko sh*t naiiyak na ako.

"Sorry talaga.I hope you understand"

Tumango ako "Oo naman no ! Tsaka number1 fan mo kaya ako.haha"

"Thanks" sabi nya at umalis.

Akala ko talaga friends na kami e. Na kakainis ,hindi ba talaga pwede ? Kahit magkaibigan lang naman. Bakit ba pinagdadamot sakin ng mundo si Zenrick T_T

Ang hirap naman nito !!!

~~

 Again ! Kung may mababasa man kayong mga typo's sorry talaga guys.


Please Vote and Share Thanks :*

-xxxLadyMadaldal

Finally Got HimWhere stories live. Discover now