Chapter 17: Baby ko

101 8 1
                                    

Alexa's POV

Nagising ako at namumugto ang mata ko kakaiyak kagabi.Buti na lang at saturday ngayon

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng salita at lakas ng loob sa mga sinabi ko kay Zenrick kagabi.

Kinuha ko ang Phone ko.

1 Message Receive

Pumikit muna ako bago buksan yung mensahe at umaasang si kay Zenrick galing.

From: KUYA Kyle

Good morning Ate. Okey ka na ba?

*Sigh*

"Asa pa more Alexa!" sabi ko sa sarali ko. Akala ko talaga si Zenrick eh. Hindi naman masamang umasa na sana lambingin ako ni Zenrick diba ?

Nag type ako nang Mensahe.

Okey na ako.Kuya ,salamat pala ha :)

-Sent

Inayos ko muna ang higaan ko tas pumasok ng banyo para maligo.

Pagkatapos kung maligo,bumaba muna ako. Nakita ko si kuya sa sala na nakaupo sa sofa at nagbabasa.Tumabi ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.

"Anong nangyari jan sa mata mo? Pinasok ka ba ng bubuyog sa kwarto mo kagabi sis? pffft" natatawang sabi nya.

"Kuya naman e " At nag pout pa ako.

"Pinapatawa lang kita e. Nag away na naman ba kayo?"

Tumango ako

"Ano namang dahilan?" tanong nya

"Nagalit sya kasi kasama ko si Kyle" May Tumulong  kaunting luha sa mata ko.

"Hussh. Sis wag ka nang umiyak,pumapangit ka lalo e" sabi nya sabay hug sakin "Baka nagseselos lang yung si Zenrick" dagdag nya.

Selos ? Si Zenrick nagseselos? Asa !

"Patawa ka kuya" sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. "Alam mo namang hindi ako mahal ni Zenrick e,kaya walang rason para magselos siya"

"Sinabi nya bang hindi ka nya mahal?" tanong ni kuya

Hindi. Pero Hate daw nya ako e.

"Pinaparamdam nya sa akin kuya.At ramdam ko naman na hindi nya talaga ako mahal kasi may iba siyang mahal"

"Sis may mga bagay kasi na hindi dapat minamadali.May tamang panahon"

"Ang gulo kasi ni Zenrick kuya e Minsan sweet pero minsan naman parang walang pakialam sa akin"

"Intindihin mo na lang muna si Zenrick Sis" sabi nya at ngumiti.

Tumango ako at tumayo ng may nag doorbell.

"Ako na kuya" sabi ko.

Hanggang kailan ko iintindihin si Zenrick? :3

"Sino yan??" Tanong ko at binuksan yung gate.

"Hi Ate ^_^"

"Oy. Kuya napadalaw ka?"

"Dumaan lang ako.Gusto kong echeck ka kung okey ka na ba talaga"

"Okey na ako kuya.Promise" Ngumiti pa ako para mapanatag siya.

"Gusto mo mag Ice cream?" tanong nya

"Sige ba ! Basta Libre mo. Haha"

"Tara. Doon tayo sa park"

At naglakad na kami papuntang park. May malapit kasi na park dito sa village na tinitirhan namin.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now