Chapter 30: Guilty

53 4 1
                                    

Denver's POV

Lately napapansin ko kay Raven na may kakaiba sa kanya. Kung paano siya makitungo sakin. Nakakapanibago. Hindi ko alam kong ano ang iniisip niya.

Ang alam ko may mali. Nasabi sakin ni carlo na nung pumunta si raven sa bahay ay kinopya nya yung mga picture na nasa album ko. Sabi ko na nga ba at makikita nya yon.

Mahal ko si Raven pero hindi ako ganun ka gago na mangsira ng relasyon. Oo sinasabi ko kay zenrick na aagawin ko sa kanya si raven pero wengya hindi ko yun gagawin.Tinatakot ko lang yung lalaki yun para hindi naman siya makampante masyado.

Kagaya ngayon. Alam kong may kinalaman to sa pictures namin ni raven nung mga bata kami. Possibleng unti-unti ng bumabalik ang mga alaala niya...Alaala niya sakin.

May maling akalang nagaganap ngayon. takte naman.

Alexa's POV

"Tatawag na lang ako ulit tomboy"

"Okey sige bye palaboy" sabi ko at binaba na ang tawag..

Tinignan ko yung mga picture namin ni denver. Andami pala naming pictures noon.Ngayon ay palaisipan parin sakin kung bakit hindi sinasabi ni denver ang nakaraan namin dati.

Tinignan ko yung mga picture.Yung mga mukha namin.Mukha ng taong nagmamahalaan.

Nung pumunta ako kila denver diba may nakita akong album? Na puno ng mga larawan namin. May printer si denver sa kwarto niya kaya kinopya ko to.Tapos dinala ko dito sa bahay.

"Hello denver" wika ko ng sinagot ko yung phone ko ng may tumawag ,hindi ko na tinignan kong sino to.Kasi tatawag naman daw si denver.Baka ito na yung tawag niya.

Hindi siya nagsalita ano trip nito? "Hoy.Denver! Yohooooo Palaboy magsalita ka nga"

"Baby ko" nabato ako sa narinig kong nag salita sa kabilang linya.

Madiin kong pinikit ang mga mata ko. Ano bang nangyayari sakin?

***
Zenrick's POV

"Hello Denver" sabi ni alexa sa kabilang linya. So she was expecting sa tawag ni denver.

Hindi agad ako nagsalita "Hoy.Denver! Yohooooo Palaboy magsalita ka nga"dagdag pa niya.

"Baby ko" sabi ko.Para malaman niya naman na hindi si denver yung tumatawag.

Parang siya naman ata ngayon yung hindi makapag salita. Now what? I sigh "C'mon Its okey baby ko" mahinahon kong sabi. Wala naman sigurong malisya.

"S-sorry zenrick.Akala ko kasi si...Denver"mahinang sabi niya.Isinantabi ko yung sinabi niya kasi miss na miss ko na talaga siya.

"I missed you" Malambing na sabi ko. Kasi namimiss ko na talaga siya.Kahit nagkasama na kami nung isang araw.

"Miss you too" kahit hindi ko makita,sa pagkakasabi niya pa lang sobrang walang gana.Ang tamlay.Ibang iba sa alexa na kausap ko palagi.

"Kumain ka na ba baby ko?"tanong ko, baka kasi hindi lang siya kumain kaya walang ganang magsalita

"Yeah"

"Ang tamlay mo" sabi ko

"H-ha hindi naman"

Kahit hindi niya sabihin,alam kong may problema.

"C'mon baby ko.Wha't going on?"

"N-nothing.."

"You sure?"

"Hmmm.Yeah" sabi niya "Zenrick..inaantok na ako usap na lang tayo bukas"dagdag niya

Bahagya akong natigil. Gabing gabi na ba talaga ? Tinignan ko yung oras at hell 7:00 pm pa lang. At kilala ko si Alexa,kadalasan late siyang matulog.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now