Chapter 36:Tamang Panahon

72 3 0
                                    

Alexa's POV

Hindi ko parin maiwasang isipin na baka si Venice nga si Ven-ven.Pero paano kong siya nga ? Kaya ko ba ?

Sumikip ang dibdib ko sa mga iniisip ko.

Pero kong sakali man wala na akong magagawa

"Bakit ba kasi ang shunga mo tomboy"sambit ni denver habang nilalagyan ng bempong may yelo ang siko ko.

Napatingin ako sa siko ko. Ni hindi nya man lang namalayan na natulak nya pala ako sa pagmamadali nya.

"Sorry naman no?" sabi ko saka napairap. Nakooooo talaga palaboy.

"Mag-ingat ka kasi. Ayaw kong...nasasaktan ka"sabi niya saka tumingin ng seryoso sakin.Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. At naramdaman nya siguro na ayaw kong tignan nya ako ng ganun kaya iniwas
nya rin ang tingin nya sakin.

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng Awkward kasi sa pagkakaalala ko kailangan ko ng iwasan si denver.

"A-ahh.S-salamat" nauutal na sabi ko sa ko inilayo ang siko ko sa kanya.

Naalala ko na naman. Isa pa tong si denver na gumugulo sa isip ko.

Siya ba talaga ang lalaking yon?

"Denver..." mahinang sambit ko na alam kong rinig nya naman kasi napatingin sya sakin.

"Ano yon?"tanong nya.

"Sino ka ba talaga?"

"Ano bang-- Haha Ako si Denver ? Alangan namang ako si car-"

"I mean sino ka ba talaga ? Sino ka sa buhay ko denver"

"Kaibigan ... Kaibigan mo ak-" muli ko na namang pinutol ang sasabihin nya.

"Noon" sabi ko na alam kong naintindihan nya naman. "Alam kong magkakilala na tayo noon pa. Hindi lang sa states. Matagal na" sabi ko na ikinagulat nya

"Nakakaalala ka na?"

"Oo.I mean hindi lahat naaalala ko.Pero meron na. At naguguluhan ako kong sino at ano ka sa buhay ko ! Ikaw ba yung lalaking mahal na mahal ko? Na tinutukoy mong nakalimutan ko nung nasa sinehan tayo?"

Ngumiti sya ng mapait "Hindi alexa.."

"H-ha?"

"Kaya ba...kaya ba kakaiba ang galaw mo nitong mga nakaraang araw? nagiging sweet ka sakin,tinignan mo ang album at hinalikan mo pa nga ako..Sa pisngi"

Nakakahiya. Nahihiya ako sa mga ginawa ko.

"S-sorry. Hindi ko alam kong anong ginagawa ko,wala ako sa sarili. Ikaw yung nakikita ko sa mga alaala ko denver"

"Anong alaala?"

"Si-sinabi mo sakin na mahal mo ako. At sa lahat ng alaala ko yun lang ang hindi malabo."

Natawa ito ng bahagya "Yun ba ? Kung alam mo lang alexa..Nung araw na sinabi ko sayong mahal kita,nung araw na nagtapat ako sayo.Yun yung pinakamasakit sakin.Masakit kasi alam kong hindi mo ako kayang mahalin.Masakit kasi kahit alam kong may mahal kang iba ay sinubukan ko parin. Ang tanga ko kasi umasa pa rin ako na mamahalin mo ko.Mahal mo ako alexa pero bilang kaibigan,yun lang. Pero masaya na ako kasi alam kong sasaya ka sa piling nya." mahabang litanya nya. Hinawakan nya ang pisngi ko saka pinahidan nya ang pisngi kong may luha galing sa mga mata ko.Umiyak na pala ako "Wag kang umiyak please. Nasasaktan ako" dagdag nya.

"Denver. Im so sorry" saka ko sya niyakap kasabay ng pag hikbi ko.

"Wala yon. Masaya na ako pagnakikita kitang masaya.Kaya wag ka ng umiyak ha" tumango tango lang ako. "Na wow mali ka eh. Akala mo ako na yung lalaking yon"

Finally Got HimWhere stories live. Discover now