Chapter 10: Feelings

80 7 0
                                    

Jaycynth's POV

Nandito ako ngayon sa Rooftop.Minsan pumupunta ako mag-isa dito.Siguro para mag Emo. haha

Nitong mga nakaraang araw nagiging busy si bestfriend. Lalo na nung may presentation kami at partners sila ni Zenrick. Pero ang sakit palang makita na ang taong mahal mo masaya sa taong mahal nya,lalo na nung magkasama silang dalawa sa music room.Kitang-kita ko ang mga ngiti ni alex sa tuwing kasama nya si Zenrick at ang kanyang mga matang nakatitig sa lalaking yon sa tuwing tinitignan nya ito sa malayo. At sa tuwing nasasaktan si Alex ng dahil kay Zenrick nasasaktan din ako.

Sana nga ako na lang eh. Ako na lang yung Mahal nya. Hindi bilang bestfriend ngunit higit pa doon.

Oo mahal ko si Alex,nung nasa America pa lang kami. Iba sya sa lahat ng mga babae. Pero bestfriend lang talaga ang turing nya sa akin,samantalang ako higit pa doon. Pero ganon pa man na kontento na ako.

May mga araw na pinaparamdam ko sa kanya kong gaano ko sya kamahal higit pa sa kaibigan,ngunit hindi nya iyon nakikita dahil nabulag sya sa pagmamahal nya kay Zenrick.

"Alone?" tanong ng taong nasa likod ko. Nilingon ko sya.

Tumango ako "Anastasia kanina ka pa ba jan?" tanong ko naman sa kanya.

"Nope.Kadadating ko lang din. Anong drama mo?" natatawa nyang tanong.

"H-ha? Wala ." sabi ko.

Tumabi sya sa akin. "C'mon parang di naman tayo magkaibigan e" sabi nya .Hindi ako sumagot,tahimik lang ako.

"Mahal mo na talaga sya?" tanong nya. Naguluhan naman ako sa tanong nyang yon.

"w-what do you mean sia?"

"I know you love Alexa" mahinang sabi nya,tamang tama lang para marinig ko.

Pero..Paano nya nalaman? wala akong pinagsasabihan tungkol dito sa feelings ko para sa bestfriend ko.

"P-paano mo-" agad nya pinutol ang sasabihin ko

"It's Obvious Jaycynth.Kung...Paano mo sya tignan,kung paano ka nasasaktan pag nakikita mong magkasama sila ni zenrick" I was caught of guard.

"Mahal ko sya totoo yon...Pero hindi nya ako mahal.Dahil bulag sya sa pagmamahal nya kay Zenrick"

"Yeah right. Pareho tayo" sabi nya at naguluhan na naman ako.

"Parehong ano?"

"Pareho tayo. Dahil yung taong mahal ko may mahal ding iba" sagot nya.

"Pero alam mo sia.Napag desisyonan ko na rin..Na sabihin tung nararamdaman ko sa kanya.Nahihirapan na akong itago-"

"Please,wag" pagpipigil nya sakin

"B-bakit?"

"Ang manhid mo din no? Sinasabi mo na nabulag na si alex sa pagmamahal nya kay Zenrick. Samantalang ikaw din naman,nabubulag ka rin sa pagmamahal mo sa kanya" Tama nga sya.. "Because of that,hindi mo na nakikita ang taong nagmamahal sayo" dagdag nya

"Ano bang--"

"Jaycynth ! Pagod na din ako !! Kung nahihirapan kang itago ang nararamdaman mo para sa kanya ! Pwes ako rin...Nahihirapan na din akong itago tung pagmamahal ko sayo !" tumulo na ang mga luha nya.

Pero... Sa akin?

"A-ano? Ako?" Naguguluhan kong tanong

"Oo. Haha ang tanga ko nga eh.Alam ko namang una pa lang si alex na yung gusto mo ! Pero lintik naman,ayaw tumigil nitong puso ko e" sabi nya at tinuturo yung puso nya.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now