Chapter 29: Wala sa Sarili

58 4 2
                                    

Alexa's POV

Pagkauwi ko sa bahay ay tinadtad ako ng mga tanong ni mom.Panay tawag din si dad at kuya. Ako naman sinagot ko sila na okey na ako para di na sila mag alala.

Pati sila insan,genniel at Jayjay tinatawagan din ako. Tinatanong kung okey na ba daw ako.

Pagkatapos kung maligo ay umupo ako sa kama ko. Naalala ko yung nangyari kanina nung nahimatay ako.

"raven mahal kita" sabi ni denver sakin.

"Denver" Yun lang yung tanging na isagot ko. Siguro speechless?

"Mahal na mahal kita" Niyakap niya ako. Pagkatapos nun.

Sa lahat ng alaala ko , yan lang yung hindi malabo. At sigurado akong si denver yon.

Possible kayang...

***

Zenrick's POV

Bakit ganon? Bakit pangalan ni denver ang bukang bibig niya habang natutulog siya kanina.

Nakakaalala na ba siya ? Kung ganun,bakit si Denver ?

"Hayyysst" daing ko sabay gulo ng buhok ko.

Ako ang mahal ni alexa. Mahal ako ni Ven ven . At yun ang pang hahawakan ko.

Alexa's POV

"Oy bebe carlo.Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko ng paglabas ko nakita ko siya sa labas ng gate namin tsaka yung kotse ni denver.

Papunta na kasi ako sa school.

Napangiti ako ng nakita ko si denver.

O_o kailan pa ako napapangiti ni Denver ?

"Sabay na tayo sa school ate" sabi ni carlo.

"H-ha. Sige" tapos pumasok na kami sa kotse nila.

"Hi tomboy!" masiglang bati ni denver sakin.

"Hello Palaboy"sabi ko at hinalikan siya sa cheeks.

O_O <<<<< denver

O_O <<<< Carlo

O_O >\\\\< <<<< Ako

"Hehe.Sorry pffft" awkward na sabi ko. "A-ang OA mo palaboy ha.Para yon lang?" sabi ko ulit ng napansin kong hindi niya pa pinapaandar ang kotse.Parang natameme.

"K-kuya" wika ni Carlo na parang nabigla pa rin.

"A-ahh. Tara na" sabi ni denver.
-
Nang nakarating kami sa school ay bumaba agad ako. Bakit ko ba yun ginawa?

"Ate Hintay!" tawag ni carlo sakin

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit?kasi po mag aaral na ako dito . Haha"

"Okey" yun lang ang nasagot ko. Wala pa rin ako sa sarili.
-
"Hey best"bati sakin ni jayjay ng makarating ako sa room

"Yow"sabi ko

"Sure kang.Okey ka na?" tanong niya.

"Y-yeah"

"Okey. Malapit na sembreak san tayo magbabakasyon?"

"Saka na lang natin pag usapan best pag kompleto na tayo"

Tumango tango naman siya "Sabagay"

"Cr muna ako best" sabi ko at lumabas na ng room.

Pupunta muna ako sa banyo para mahimasmasan ako.Wala talaga ako sa sarili.

Nang nasa banyo ako ay kinuha ko muna yung phone ko ng maalala ko si zenrick. Andaming message galing sa kanya. Pagkatapos ko yung basahin ay ibinalik ko na yung phone sa bulsa ko.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now