Chapter 23:I'm yours And your mine

73 5 0
                                    

JaySia pa rin na chapter to guys ha.
-xxxLadyMadaldal
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jaycynth's POV

Anastasia:
Jay, lunch time sa  Karenderya. Okey?

Sabi doon sa text ni Sia.Binalik ko yung phone ko sa bulsa ko. Hindi ko alam kung mag wo-work ba tong ginagawa namin ni sia eh.

Pagkatapos ng klase pumunta na ako sa karenderya na malapit dito sa school.Paglabas ko nga kanina magkasama sila Zenrick at Alexa pero iniwas ko yung sarili ko pati ang puso ko sa sakit.

"Hey" sabi ko ng nakarating ako sa karenderya.Tinignan naman ako ni Sia at ngumiti. Mas lalong gumaganda si Anastasia sa tuwing ngumingiti siya.

"Hey. Upo ka^_^" sabi niya at umupo naman ako.

"O-order muna ako ng makakain natin sia"sabi ko..

Tumango sia  "Okey"

Umorder na ako ng makakain namin ni Sia.

"Salamat" sabi niya ng nilapag ko na yung pagkain.

"Welcome" sagot ko naman.

"So...Saan tayo unang mag dadate?" tanong niya.

Oo nga no? Saan kami mag dadate?

"Okey lang ba kung sa mall?" sabi ko

"Sure ^_^" sabi niya tapos kumain na siya.

Nakakatawa nga eh,anak mayaman siya pero wala siya'ng arte kahit kumain man kami dito sa karenderya.Hindi mo mahahalata sa kanya na simple lang siya dahil sa maarte siya kong magsalita at halata naman sa itsura at pananamit na mayaman talaga siya,yung parang sa unang tingin mo hindi niya ugali na kumain sa lugar tulad nito.

Actually kumakain naman kami minsan dito kasama ang tropa.

"Jay.Sana hayaan mong mahalin kita" biglang sabi ni Anastasia habang naglalakad kami papasok sa mall.

"Sia...Sana hayaan mo rin na matutunan kitang mahalin" sabi ko. Buo na ang desisyon ko. Napag isip isip ko na may taong nagmamahal sa akin.Nandyan si Anastasia.

Ngumiti si sia. At hinawakan niya yung kamay ko.

"Aisssh. Ano ba yan hindi makuha" sabi ko ng naglaro kami sa timezone.

"Wag na nga tayo jan." sabi niya.

"Hindi. Kukunin ko tong teddy bear para sayo" sabi ko sa kanya.

"Ayieee. Ang sweet mahal mo na ba ako? Hahaha" sabi niya,tinignan ko siya."Haha.Ito naman joke lang"dagdag niya

"Soon. Anastasia. Soon" sabi ko.

"Okey. Soon ^_^"

Sunod-sunod ang naging date namin ni anastasia.At masasabi kong ang saya niya kasama.Parang nararamdaman ko na buong buo ako pagkasama ko siya.Puno ng pagmamahal.

Mga ilang araw nalang matatapos na ang 1 month.

"Son? Dadalhin na ba kita sa mental? Haha"

Bumalik ako sa pag-iisip ko ng nakita ko si mama na naka sandal sa pinto ng kwarto ko.

"Ma ! Kanina ka pa jan?" tanong ko.

Tumango siya "Yup.Pero hindi mo man lang ako napansin.Ang lalim ng iniisip mo."

"Haha. Sorry ma"

"It's okey" sabi niya at tumabi sakin sa pagkakaupo ko doon sa tabi ng kama.

"Si Alexa na naman ba?" tanong niya.

Oo alam ni mama,alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko sa bestfriend ko.Sa totoo lang wala naman akong sinasabihan eh,sadyang napansin lang siguro ni mama. Siya lang ang nakakaalam.Nabuking niya ako eh. I guess kilala talaga tayo ng mga magulang natin.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now