Chapter 25:My amnesia Girl

63 5 3
                                    

Alexa's POV

"Princess! Nandito na si Denver" sigaw ni mama mula sa baba.

"Okey mom ,wait lang po!" sabi ko

Habang pababa ako tenext ko muna si Zenrick

Baby ko <3:
Baby ko Pupunta ako sa mall ngayon ha.Ingat ka jan :) I love you.

-Sent

Nilagay ko muna sa bulsa ko yung phone ko.

"Hi tomboy"bungad ni Denver sa akin.

"Hello palaboy. Let's go?!" sabi ko.

"Mom alis na po kami" sabi ko kay mom sabay kiss sa cheeks niya. "Nasaan po pala si dad?" tanong ko.

"Nasa kwarto lang anak,nagpapahinga" sagot niya

"Okey mom.Alis na kami, Bye din kuya~"sabi ko kay kuya.Tumango lang siya.

"Ingat kayo"sabi ni mom bago kami umalis.

Lumabas na kami ng bahay at pumasok na sa kotse.

"Hindi ba magagalit si zenrick nito tomboy?Sasamahan mo ko sa mall?" tanong ni Denver habang inaayos yung seatbelt niya.

"Hindi naman siguro,sasamahan lang naman kita.Tsaka nag text naman ako sa kanya :)"

"Okey,so tara na?"

"Tara .haha" sabi ko,tapos pinaandar niya na yung kotse.

-

Pagdating namin sa mall,napag usapan namin ni denver na manood ng sine.

Pinanood namin yung "My amnesia Girl" nila Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz

"Haha. My Amnesia girl talaga palaboy?"natatawang tanong ko sa kanya.

"Eh~Yan na lang tomboy,hindi ko pa napanood yan eh"sabi niya

"Oo na nga,paano mo mapapanood yan nasa states ka haha. Pasok na nga tayo" sabi ko.

Bumili muna si denver ng drinks at popcorn bago kami pumasok.

Habang nanonood kami concentrate masyado si denver,ako naman nilalantakan yung pop corn. Nakita ko naman yan eh,matagal na yang movie na yan.

"Tomboy"

"Hmmm?" sabi ko habang nginunguya pa rin ang pop corn.

"Na amnesia ba talaga si Toni jan?" tanong niya pero nakatingin pa rin sa screen.

Umiling ako "Hindi,nagpanggap lang siya"sabi ko

Tumingin siya sa akin "Sana ikaw din tomboy no?" sabi niya kaya kumunot yung noo ko.

"What do you mean?"

"Sana ikaw rin.Hindi ka na lang na amnesia,mas okey pa siguro na nagpapanggap ka na lang"seryosong sabi niya.

"A-aahh..Pero hindi eh,kung pwede ko lang maalala lahat ng nangyari noon inalala ko na lahat. "

"Wala ka ba talagang maalala tomboy? sa nakaraan mo?"

"Wala.Pero gusto ko rin namang makaalala kasi for sure madami akong nakalimutan" sabi ko at tumingin sa screen.

"Pati nga yong taong mahal na mahal mo nakalimutan mo rin"

"H-huh?" sabi ko ng naguguluhan.

"Wala nevermind tomboy,kalimutan mo na yung sinabi ko hehe"

"Naalala ko naman yung taong mahal na mahal ko eh"sabi ko,tumingin si denver sa akin na gulat na gulat "Sila mom,dad at kuya. Sila yung taong mahal na mahal ko. haha"

Finally Got HimWhere stories live. Discover now