Chapter 27: Memories

67 3 0
                                    

Alexa's POV

"Bes try mo kayang dalawin si Zenrick habang nag s-shooting sila" sabi ni genniel sabay subo nung fries.

"Dalawin ? Sa set. Baka bawal bes"sabi ko

"Anong bawal ka jan couz eh dadalawin mo lang naman ang Boyfriend mo. Hellerr~"

"I dunno"sabi ko. "Nasaan nga pala mga jowa nyo?" tanong ko

"Nasa gym,nag p-practice"sagot ni genniel

"Tumulong si jayjay sa gagawing booth nyo para sa foundation day. Ikaw couz ba't di ka tumulong?"

"Nah. Kaya na nila yon"

Naisip ko tuloy yung sinabi ni genniel
Pwede ko kayang dalawin si zenrick don ? Naisip ko na rin yun dati kaso baka bawal eh. Di bale wala naman sigurong mawawala.Dadalaw lang naman ako.

"Girl.Samahan mo naman ako sa comfort room"sabi ni sia kay genniel.

"Sama na rin ako" sabi ko. At nagsi tayuan na kami papuntang Cr.

Pagkadating namin don naabotan namin si Ann. Naka harap sa salamin nakatunganga lang.Si ann classmate ko friend ko din siya.Pero hindi kami as in close talaga.

"Ann ? Okey ka lang?" tanong ko kasi parang umiiyak siya eh.

"H-ha ? Kayo pala ! Okey lang ako" sabi niya sabay pahid sa pisngi niya na may luha.

Ang mga tao talaga no. Kahit hindi okey,pagtinatanong sila Kung okey lang ba sila kahit halatang hindi,sasagotin ka ng "Oo" hayyss.

"Why are you crying?" tanong ni insan.

"Na p-puwing lang ako"

"Teka is this PT?" sabi ni genniel sabay kuha nung pregnancy test na naka patong sa lababo.

"A-akin na yan!" sabi ni ann sabay kuha nung PT kay genniel "Wala to" dagdag pa niya.

Lumapit ako kay ann.

"Ann...Buntis ka ba?"mahinang tanong ko.

Hindi siya nagsalita pero narinig ko ang hikbi niya.

"Huussh.Tahan" sabi ko at niyakap siya.

"Ang tanga ko!!" sabi ni ann sabay ng mga iyak niya.

"Tahan na.." pag c-comfort naman nila genniel at Insan..

"Ano nang gagawin ko alex? Ang tanga ko"

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin pero umiiyak pa rin siya.

"Sabihin mo sa mga magulang mo ann" sabi ni genniel.

Umiling siya "Hindi pwede.Magagalit sila sakin"

"Natural lang na magalit sila ann kasi nag pa buntis ka eh.Pero alalahanin mo magulang mo sila at kahit anong ginawa mo magalit man sila sayo hindi ka pa rin nila matitiis.Alam mo sa sitwasyon mo ngayon,kailangan mo sila ann.Kailangan mo ang pamilya mo,ang mga magulang mo" sabi ko sa kanya.

"Wag kang matakot ann"dagdag naman ni insan.

Tignan niya kami.Na para bang nasagot yung mga tanong niya?

"Siguro tama nga kayo.Salamat guys" sabi niya at niyakap kami.

"No problem"sabi ko

"Welcome"sabay na sabi ni genniel at insan.

"Alis na ako guys.Bye" pagpapaalam niya samin.

"Bye.Ingat ka ha"sabi ko. At tuluyan na siyang lumabas.

kami naman pagkatapos naming mag Cr ay lumabas na kami.

"Windang pa rin talaga ako sa nalaman natin tungkol kay ann" sabi ni insan.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now