Chapter 22: Deal

69 8 0
                                    

JaySia Loveteam muna tayo guys ha. Para malaman nyo kung paano naging sila ^_^
-xxxLadyMadaldal

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jaycynth's POV

Pagkatapos noong pag uusap namin ni alex sa rooftop ay umiwas nga ako sa kanya. Isang buwan,siguro sapat na yon.

Pumunta ako sa bar pagkatapos nun. Gusto kong uminom,kahit ngayong gabi lang mawala lang yung sakit nitong nararamdaman ko.

"Isa pa" sabi ko doon sa bartender. Hindi pa naman ako lasing.

"Sir,problema ba sa lovelife yan?" tanong niya. Ang chismoso naman nitong bartender nato.Tumango ako siguro kailangan ko ng makakausap ngayon.

"Paano ba makalimot?" tanong ko doon sa bartender,malay mo ma bigyan niya ako ng advice.

"Humanap ng iba" simpleng sagot niya.

"Ang hirap." sabi ko at ininom yung beer.

"Ganun talaga.Pero sulit naman yung hirap mo pag nakalimutan mo na siya"

Hindi ko siya kayang kalimutan kasi bestfriend ko siya. Ang gusto ko lang kalimutan ay yung feelings ko sa kanya hindi yung pagkatao niya.

"Feelings niya lang ang gusto kong makalimutan.Bestfriend ko pre eh" sabi ko.

"Gamit nga nawawala,feelings pa kaya? Kaya mo yan sir!" advice nung bartender sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Tama naman siya,gamit nga nawawala feelings pa kaya?

Yung nakakatawa pa doon nag momove on ako kahit hindi naman naging kami. Pwede pala yon no?

Lumabas ako ng bar.Ewan ko ba sa sarili ko at naisipan ko pang mag inom.

Habang nasa kotse ako nakatunganga,hindi ko pa pinapaandar yung kotse. May nakita akong babaeng papalabas pa lang ng bar.

"Sia!?" sabi ko sa sarili ko ng namukhaan ko ito.Lumabas ako agad sa kotse. "Sia! Lasing ka ba?Anong ginagawa mo dito?!!" taranta kong tanong.

Tinignan niya ako at ngumiti.
"Hindi ako lasing" sabi niya at tumalikod na siya sa akin.

"Anong bang ginagawa mo dito !" hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya sa pag alis

"Ano bang ginagawa sa bar? Mag shopping?" irita niyang sabi at tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Sia. Anong bang problema mo!?"

"IKAW !! Ikaw ang Problema ko! Ba't ba kasi hindi kita makalimutan haaaaa!" sabi niya tas pinagpapalo niya ako. Hinayaan ko lang siya.

"Jaycynth.. Ano bang kailangan kong gawin ha!Para...Para makalimutan kita!" sabi niya habang umiiyak.

Hinawakan ko yung mga pisngi niya "Sia.. Hindi ko alam.Kahit ako man gusto ring makalimut.G-gusto ko ring makalimutan yung nararamdaman ko para kay alexa"

"Kung gusto mong kalimutan yung nararamdaman mo para sa kanya jaycynth,then use me ! Gamitin mo ako para makalimutan mo na siya! Kaya kung mag pa ka martyr para sayo,kahit magmukha na akong desperada wala na akong pakialam !!"

"Sia I.. Can't" Yumuko ako.

"Why?!"

"Hindi kita kayang...Saktan"

"Sinasaktan mo na ako ngayon. Alam mo ba yun ha??!"

"Ayaw ko ng mas lumala pa yang sakit na nararamdaman mo sia"sabi ko at sumakay na sa kotse.

Hindi ako papayag na masaktan ko si Sia. Sapat na sa akin na ako yung nasasaktan ngayon. Alam kung nasasaktan ko na siya ngayon pero kung gagamitin ko pa siya mas madadagdagan lang yong sakit.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now