Chapter 35: Nawawala

58 2 1
                                    

Alexa's POV

"Sobrang na mimiss na kita..Ven-ven"

Sino ba talaga si Ven-ven? >,<

Itatanong ko sana kay zenrick pero baka pag pinilit ko pa sya.Baka mag away pa kami.

Kung sino man si ven-ven sana magpakita na sya kasi ramdam ko na miss na miss na sya ni zenrick.

Sobrang tanga ko ba ? Hinahanap ko yung ibang tao.And worst sya rin yung gustong gustong makita ni zenrick. Sympre kasi kailangan sya ni zenrick at alam kong sasaya si zenrick pagnakasama nya si ven-ven .

Pero habang wala pa siya ako na muna ang magpapasaya sayo zenrick.

"Nasan ba si venice nakita nyo?" biglang tanong ni insan.

Doon ko lang din namalayan na wala pala si venice.

"Kanina pa sya wala dito" sambit ni jayjay.

"Oo nga baka kong napano na yon"wika ko naman kasi nag-aalala din naman kami sa kanya. Kaibigan namin y--

"We need to find her"sabi ni zenrick at agad-agad itong tumayo. Kahit kakaupo nya palang at hindi pa nakakain.

Tumayo ako saka siya sinundan.

"Baby ko. San ka pupunta?"tanong ko.

"Hanapin muna natin si venice baby ko" nag-aalala nyang sagot

"Kumain ka muna"

"Baka may masama ng nangyari sa kanya.Kayo na rin nagsabi na kanina pa sya wala dito"

"Oo nga. Pero baka may pinuntahan lang yon"

"What? Hindi ba kayo nag aalala sa kanya?"

"N-nag aalala kami z-zenrick"

"Yun naman pala. Ano pang ginagawa nyo jan!" pasigaw na tawag nya sa iba pang mga kasama namin. Halata namang nagulat sila sa pag oover react ni zenrick na para bang nawawalang bata si venice?

Isa isa na ring nagtayuan ang mga kasama namin tapos nauna ng umalis si zenrick.

"Bakit ganun sya kung mag react?" tanong ni Genniel sakin.Akala ko ako lang ang nakahalata pati din pala si genniel.

"Hindi ko rin alam" sagot ko at lumakad na rin.

Hindi ko rin alam kong anong isasagot, kasi mismo ako ay walang idea kung ano mang iniisip ni zenrick.

"Sir,may nakita po ba kayong babae ? Matangkad ,maputi,mahaba ang buhok,ka edad lang po namin?"

"Pasensya na iho wala eh"sagot nung lalaking pinagtanungan ni zenrick.

"Ano ba to ? Missing ? Nawawalang bata? tsss" narinig kong sabi ni insan. At umirap pa ito.Buti hindi sya narinig ni zenrick kasi abala ito sa pagtatanong.

"Intindihin na lang natin sya insan" sabi ko.

Tumingin naman sya sakin na para bang sinasabi nyang pigilan ko si zenrick?

"Paano?" tanong ko kasi wala akong idea at baka magalit lang sya.

"Kausapin mo.Girlfriend ka eh"sabi nya saka tumalikod.

Hayaan muna natin sya..Yan ang sinasabi ng isip ko kasi baka nag alala lang talaga sya kay venice

Nasasaktan ka na.. Ang sabi naman ng puso ko.

Walangjoo naman oh>,<

Finally Got HimWhere stories live. Discover now