Chapter 19: Can you be My Girl

78 6 0
                                    

Alexa's POV

"Alexa Raven madrigal,ipangako mo sa akin na Forever na tayo ha"

Inakbayan naman niya ako.

"Eh? Paano yan Baby ko. Wala namang Forever e"

"Anong wala? Tayo ang tutupad sa   forever na pinag aawayan ng Lahat. Promise?"

"Promise"

Minulat ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala.

"Baby ko? Gising na!"

Huh ? Bakit feeling ko naririnig ko si Zenrick?

Pagtingin ko sa gilid ng kama ko nakita ko si Zenrick na nakangiti.

"Good morning baby ko^_^" sabi niya

Waaaaaah !!! Nakakahiya bagong gising pa lang ako >,<

"Z-zenrick?!! Nakakahiya baby ko. Kakagising ko lang" sabi ko at agad agad na bumangon pa punta sa banyo.

"Baby ko.Maganda ka pa rin naman kahit bagong gising eh" sabi niya.

Pero hindi ko pinansin yung sinabi niya. Eh ang panget ko kaya ! May laway pa ako tsaka muta. Paksheeet !

Naligo ako agad.Habang nag s-shower ako naisip ko na naman yung panaginip ko. Sino ba siya ? Yung lalaki.Sino siya sa buhay ko?

"Sh*t nasa labas nga pala yung damit ko" mahina kong sabi. Sinuot ko muna yung Bath robe ko.

"Ahh. Baby ko? Nandyan ka pa ba?" tanong ko kay Zenrick.

"Yup. Why?"

"Kasi ano..Mag bibihis sana ak-"

"Damn! Okey. Sorry..Baby ko. Lalabas na ako ha. Magbihis ka na malalate na tayo"natarantang sabi niya

"O-okey " sabi ko narinig ko naman ang pagbukas-sara nung pinto hudyat na lumabas na si zenrick. Kaya lumabas na rin ako sa banyo.

Agad akong nagbihis at inayos yung sarili ko. Pagkatapos bumaba na ako.

Pagkababa ko nakita ko si Zenrick na nakaupo sa sofa

"Good morning baby ko" sabi ko sa kanya

"Good morning. Kain ka na" sabi niya at pumunta na kami sa kusina.

"Zenrick ?"

"Hmmm?" sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Salamat. Ahh si kuya at Ate... Okey na ba sila?" tanong ko sa kanya

"Siguro.Kasi nung nagising ako ng 10 PM nandoon pa ang kuya mo" Kawawa naman si kuya :3 "Buti hindi siya natiis ni ate at binaba rin nya ito.Siguro nag explain naman si kuya mark"

"Mabuti naman.Sayang naman yung pinagsamahan nila e" sabi ko at kumain na..

Pagkatapos naming kumain. Umalis na kami ni Zenrick.

Pagkadating namin sa school HHWW pa rin kami habang naglalakad.  At yung mga inggiterang froglet,masama pa rin ang tingin sa akin.Hinayaan ko na lang sila.

Pagpasok namin sa school nakita ko si Jayjay

"Oy best!" bati niya sa akin.

"Oy jacinto !"

"-____-" haha nag poker face ang baliw

"Di ka na mabiro e. haha"

Umupo na kami sa mga upuan namin at nakita ko si kuya kyle

"Hi kuya" bati ko sa kanya

"Hello ate!" Tapos ngumiti siya. tumingin naman siya kay zenrick "Yow dude!" bati niya. Pero tumango lang si Zenrick.

Finally Got HimWhere stories live. Discover now