Chapter 18: Sick

92 7 1
                                    

Alexa's POV

Ang saya ko kasi simula nung nangyari nagiging sweet na ulit si zenrick sa akin. Kahit busy siya  gumagawa parin siya nang paraan para makasama ako.

Pagdating ko sa room wala pa si Zenrick. Nasaan kaya yung kupal na yon. Hindi nga ako sinundo kanina e at hindi rin siya nag text sa akin.

"Hi ate ^_^" bati sa akin ni Kyle. Umupo naman ako sa upuan ko na katabi nya.

"Hello kuya.Wala ba kayong shooting ngayon?" Tanong ko kasi wala si Zenrick e akala ko may shooting sila.Pero nandito naman si kyle

"Ha? Wala naman ate.Bakit?"

"Wala kasi si Zenrick akala ko may shooting kayo"

umiling siya "Wala naman ate"

"O-okey. Puntahan ko lang si jayjay ha" sabi ko at tumango naman siya.

Hindi man lang ako napansin ni jaycynth na dumating.Busy kasi kakatingin sa phone niya.

Aha ! Hehe busy ka pala ha !

"Oy ! Best akin na yan!" sabi nya nang kinuha ko sa kanya yung phone nya.

"Susunduin kita mamaya ha" sabi ko habang binabasa ang text niya.

"Best ! " saway niya sa akin. Sinauli ko na lang baka ma beastmode e. Haha

"Oy~ May something sila ni insan ayieee" sabi ko ng nabasa ko kanina kong sino yung ka text nya. Walang iba kundi si Insan lang naman.

"Tumigil ka nga.Haha" sabi nya kasi kiniliti ko siya

"Ayieee. Inlababo siya kay insan~~"

"Hahaha.Best A..Ano ka.hahaha...Tigil..na" putol putol na sabi nya ng dahil sa pag kiliti ko sa kanya. Tinigilan ko naman . haha

"Kayo ha.Nakakatampo kayo. Hindi nyo ako binabalitaan tungkol sa lovelife nyo" sabi ko sabay pout

Ginulo nya yung buhok ko "Busy ka e haha"

"Ako?" sabay turo sa sarili ko "Ako pa tung busy? Eh sino ba tung nang iiwan kasi susunduin pa si insan ha? ako ba?"

"Ezzy brezzy. Haha kalma lang best"

"Eh. Kasi kayo e"

"Haha. Oo na Anastasia and I are Dating" sabi niya

"Waaaaaa. Di nga ? Ayieeee"

"Oo nga. Haha"

"Im so happy ! Para sa inyo!!" masaya kong sabi

"Dating palang kami best. haha"

"Kahit na,doon pa rin papunta yon" sabi ko.

Nag-usap pa kami ni jayjay tungkol sa kanila ni insan. Nabalitaan ko na palagi silang nag dadate ni insan. Ayieee kinilig ako.

Natigil lang yung pag uusap namin ng dumating na yung teacher.

Habang nagdidiscuss si maam nag vibrate yung phone ko. Pa simple ko itong tinignan baka kasi si Zenrick. Hehe

From: Ate Erine

Hi sister-In-Law pwede ka bang pumunta dito sa bahay pagkatapos ng class mo? Aalis kasi ako e,magkikita kami ng kuya mo. Zenrick is sick kasi e,ayaw nya namang may ibang pumasok sa room nya baka sakaling makapasok ka don. Sana makapunta ka .Thanks :)

May sakit si Zenrick? Kaya pala absent siya...

Mga ilang oras din ang hinintay ko. Waaaaaaa ang tagal ng oras.

"Ate. natatae ka ba? pfft" natatawang tanong ni kyle

"Ha? Hindi,bakit naman?" nagtataka kung tanong. Bakit naman ako natatae hindi naman masakit ang tyan ko.?

Finally Got HimWhere stories live. Discover now